Matagal-tagal na rin kami sa lugar namin, kaya naging pangkaraniwan na lang ang mga tanawin. Ang tahimik na mga gabi na malayo sa ingay ng sibilisasyon? Isa ito sa mga nakaakit sa amin sa pagtira sa bundok. Pero ngayon, hindi na namin ito nabibigyang-pansin man lang. Kami pa nga minsan ang bumabasag nito sa tulong ng Youtube Music at ng Netflix. Kung hindi pa kami i- chat ni Mama (na nasa katabing bahay), hindi pa namin malalaman na naririnig na ng buong barangay ang pinapanood namin sa telebisyon. Ang mapunong mga tanawin, na may dalang sariwang simoy ng hangin? Muli, pangkaraniwan. Ang totoo, mas nagugulantang pa nga kami at hindi nagsasawang pagmasdan ang maitim na kaulapan ng smog ng Maynila, na kitang-kita mula sa aming bintana. Iyon pa nga pala: Ang mga tanawin ng lunsod , ang mga naglalakihang gusali na gumuguhit ng liku-likong abot-tanaw? Nakikita namin ito, pero hindi naman masyadong pinapahalagahan. Wala na ang unang pagkamangha na tinaglay namin nang ...