Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2023

tungkol sa pamamasyal sa bundok at sa dagat

Buong buhay ko, halos nasa kabundukan lang ako nakatira. Mula sa Antipolo, at ngayon ay San Mateo, ang bahay ko ay laging mas mataas kaysa sa kapantayan ng dagat.  Ang totoo, ang mga lugar na tinirhan ko ay bahagi ng iisang kabundukan ng Sierra Madre. Gaya ng isang malaking dingding, wari bang hinahati nito ang hilagang bahagi ng isla ng Luzon sa silangan at kanluran.  Pero maparaan ang tao, at gagawan niya ng paraan ang anumang balakid na iniharap sa kaniya. Kaya maging ang masukal na mga kagubatan at mataas na lokasyon ng Sierra Madre ay hindi nakahadlang para makagawa ang mga inhinyero ng isang kalsadang tatagos sa mga bundok at magdurugtong pa rin sa kaliwa at sa kanan, ang kanluraning punong lunsod ng Kamaynilaan at ang silanganing mga baybayin ng Pasipiko. Isa sa mga ito ay ang sikat na daang kilala sa maraming pangalan: ang Marcos Highway (na kapangalan ng daang paakyat sa Baguio), o ang MARILAQUE (Marikina, Laguna, Quezon), o ang Marikina-Infanta Road (pinakadeskriptib...