Bakit kaya kapag ang isang tao ay nasa isang napakaganda at napakabuting kalagayan, matagumpay, o kaya ay sobrang saya, inilalarawan siya bilang "nasa langit"? Sa Ingles pa nga, "seventh heaven" ang tawag nila; hindi lang basta nasa langit kundi nasa pinakakaitaasan pa nito. Siguro dahil matagal na panahon na nating tinitingala ang mga langit, kaya malaon na natin itong iniuugnay sa isang bagay na napakatayog anupat waring imposibleng maabot. Kaya kapag nakakaranas ang isa ng mga kalagayang napakaganda at di-inaasahan, sa wari ay "naabot" niya ang isang napakataas na antas, isang bagay na waring hindi maaabot. Oo, narating niya, sa diwa, ang langit. Pero kung talagang magpapakaistrikto tayo at gagamit ng mga natutunan natin sa pisika, ang paglalarawang ito ay magiging para bang walang kabuluhan. Dahil ang langit -- ang asul na kalawakang natatanaw ng mata -- ay, sa totoo, ang kolektibong epekto ng makapal na mga suson ng di-nakikitang mga gas n...