Ang pakikipaghiwalay ay bahagi na ng buhay. May katapusan ang lahat ng bagay, at sa pana-panahon ay kinakailangan nating magpaalam sa isang tao, bagay, o maging sa isang ideya na iningatan natin sa puso at isip. Dahil walang paghihiwalay na masaya, gaano man kaganda ang mga kalagayan, napakaraming madadramang mga bagay ang naisulat na at pwede pang maisulat tungkol sa paksang ito. Pero sa paskil na ito, nais kong magpokus sa mga positibong bagay na pwedeng lumitaw mula sa isang paghihiwalay. Gusto ko ring maging espisipiko: ang paksa nito ay may kinalaman sa pakikipaghiwalay sa isang taong nakaugnay sa isa sa romantikong paraan. Ang mga sumusunod na punto ay ilan lamang sa mga bagay na pwedeng paghugutan ng pag-asa at pagtitiwala sa masakit na yugtong ito ng pakikipaghiwalay. Ipinapaalala nito ang isang naunang mas matibay mong kalagayan . Ilang taon ka ba nang una mong ibigin ang taong iyon? Wala naman sigurong nagmahal na ng iba mula sa pagkasanggol, hindi ba? Ang totoo, bag...