Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2013

tungkol sa mga tagpo sa tangway

Manghang-mangha siya sa mga lansangan ng Venice. Nakakita na siya ng makikitid at pasikut-sikot na mga eskinita sa Maynila, pero lahat ng iyon ay walang mga pangalan at pananda na magtuturo ng daan tungo sa mga importanteng destinasyon. Hindi katulad ng mga makikipot na daan ng Venice.  Mga daan na punung-puno ngayon ng mga taong patungo sa magkabilang direksiyon. Na hindi niya inaasahan; malamig ang panahon, kaya dapat sana ay mas kaunti ang mga turista ngayon.  Abala sa pag-iisip at pag-iwas sa nakakasalubong, hindi na niya namamalayan ang mga ikinukuwento ng kasama. Mga kuwentong ilang ulit na niyang narinig pero hindi siya pagsasawaang pakinggan.  Bandang huli, ang makikipot na daan ay umakay tungo sa malalawak na piazza. "Malapit na tayo," pakli niya, nakahinga nang maluwag (literal at simbolikal) dahil hindi na siksikan. "Sandali," wika ng kasama, "ang ganda ng araw."  Papansinin pa lamang sana niya ang halina ng pagdungaw n...

tungkol sa nag-iisang windmill

Matutulog siya sa bus. Kahit pa nagdala siya ng aklat para sana basahin. Kahit pa sandali lang, kung tutuusin, ang dalawa't kalahating oras ng biyahe mula Dresden hanggang Berlin. Kagyat siyang pumikit matapos maupo at magkabit ng sinturong pangkaligtasan. Hindi na niya namalayan ang isa pang paghinto para magsakay ng pasahero sa Neustadt sa kabilang ibayo ng ilog Elbe. Nahihimbing na siya nang lumabas ang bus sa sentro ng siyudad, nananaginip habang bumabagtas sa expressway pahilagang kaluran tungo sa kabiserang lungsod-estado ng Alemanya. Paano'y napagod siya matapos mapawi ang epekto ng bugso ng adrenalin. Ang pagbisitang ito sa kaibigan sa Berlin ay talaga namang biglaan, na "pinlano" mga ilang oras lang ang kaagahan. "Kumusta, kailan tayo ulit magkikita?" "Ano kaya kung mamaya?" Nagkataon pang may diskuwento sa tiket ng bus. Kaya matapos ang isang mabilisang pag-book ng tiket sa Internet, at ang simbilis na pag-iimpake ng mga gamit at ...