Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2013

tungkol sa pagsusulat ng nobela

May punto noong bata pa ako na inisip kong kaya kong maging kahit ano mang naisin ko. Lahat naman siguro ng bata ay ganun. Kapag natuto ka nang gumuhit, iguguhit mo ang sa palagay mo ay ang pinakamagandang landscape, ang larawan ng bukirin na may dalawang bundok sa malayo, may mga ulap at bahagyang nakatagong araw sa itaas, at ilang mga ibon na hugis M. Susubukan mo rin sigurong mag-sketch ng mga bagay-bagay, at bandang huli ay mga mukha na, na pinipilit mong gayahin mula sa larawan. Magsusulat ka rin ng tula, una muna'y haiku pagkatapos ay mga tanaga at mga awit (na baka inaawit mo pa ang bawat linya sa saliw ng Leron-Leron Sinta). Kapag mapangahas ka na, gagawa ka rin siguro ng freestyle, o kaya naman ay lalapatan ng musika ang mga kinatha mo.