Miyerkules ngayon, at kailangan kong dumalo sa aming pagpupulong. Hindi ako nagmamadali dahil ang Tram 13 patungo sa aking destinasyon ay humihinto sa tapat mismo ng aming gusali. Pero para maiba naman, binalak kong pumunta muna sa city center bago tumungo sa pulong ngayong araw na ito. Sa halip na alas-sais, alas-singko ng hapon ako umalis. Mabuti na lamang at gayon ang ipinasya ko. Kuha mula sa labas ng bintana. Ang gusali sa tapat ay ang St.-Benno-Gymnasium. Dito humihinto ang Tram 13.