matagal din siyang naratay, nalimitahan dahil sa stroke. sa loob ng ilang mga buwan ay nagtulung-tulong ang pamilya niya sa pag-akay at pagbabantay sa kaniya. pero nitong nakaraang linggo, bumigay rin ang kalusugan niya. tuluyan nang nagpaalam ang ama ng isang kaibigan namin ni Steph. mga ilang linggo pa ang nakalipas, nabalita naman sa UP ang pagkamatay ng dalawa sa mga propesor sa Department of Biology. ang isa ay dahil sa natural na mga kadahilanan; ang isa, mas masaklap ang kinahantungan dahil sa pagkamatay sa mga bala ng militar. sa pana-panahon, ginugulat tayo ng mga balita ng mga buhay na nawala. kakambal na ng buhay ang kamatayan, at tayo mismo ay hindi nakatitiyak sa kung kailan at kung paano tayo mamamatay. isang bagay ang tiyak: ang kamatayan ay isang masaklap, malungkot na pangyayari, isang bagay na iniiwasan ng lahat. mula sa http://tanlucypez.blogspot.com/2009/01/yep-its-officially-cold-outside.html pero may itinuturo sa atin ang kamatayan. ang kamatayan ang ka...