noo't noon pa man, ang blog na ito na ang sumalo sa lahat ng mga buhos ng damdamin. nasasaling ko lang ito kapag may kurot sa puso o tadyak sa pagkatao; nang bandang huli, naging saksi rin ito sa mga pag-igpaw sa kagalakan. nang maglaon ay bumuo ako ng iba pang blog para iulat ang mga kaganapan sa iba pang aspekto ng aking buhay, at kung dalas o dalang lang din naman ang usapan ay matagal nang tinalo ng mga nahuli itong blog na ito na nauna. gaya ng isang tunay na panganay, nasapawan na ang blog na ito sa atensiyon ng mga bunso. sa ngayon, sa pagtungo ko sa Dashboard ng Blogger para magsulat pang muli - hindi rito, kundi sa blog ko sa pagtuturo - napansin kong kaunti na lamang ang agwat ng huli sa una. kaya sa halip na magpaskil ng isang paalala sa mga estudyante, ipinasiya kong hawiin ang mga landas pabalik sa blog na ito. hinawan ko ang matataas na "damo" para muling hanapin ang mga iniwan kong bakas sa mga naunang paglalakbay. at ang una sa gayong mga bakas na sa...