mas obvious ito sa pamamasyal. kapag napunta ka sa isang lugar na walang masyadong makitang maganda, boring, maputik o maalikabok, mainit o, sa pangkalahatan, pangit, ano ba ang gagawin mo? siyempre, hindi ka hihinto. maglalakad ka. magta-traysikel. sasakay ng bus, eroplano o bangka para makarating sa lugar na interesante. e pano naman kung masumpungan mo ang sarili mo sa opisina, mag-isa, baka nga dulo pa ng sanlinggo ay nagtatrabaho pa. wala kang matapos at nagpapatung-patong na ang problema. sa dami ng gagawin mo ay nakakalimutan mo nang kumain at dahil sa pawis ay inuubo ka na. tanong: hihinto ka ba? ganyan ang marami sa atin. kapag pangit ang mga kalagayan, saka sila humihinto. pero ang buhay ay isang mahabang paglalakbay at tiyak na darating at darating ang panahon na mapapadpad tayo sa "lugar" na "pangit", "mainit" at "magulo". kaya gaya sa totoong paglalakbay, lakad lang ng lakad. ano kung paisa-isang hakbang? ano kung gapan...