Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2008

tungkol sa bowling kanina

kahit ako pa ang pinakamababa ang puntos sa mga laro namin, hindi naman matatawaran ang sayang dulot sa puso ng paglalarong muli kasama sina steph, alen at bryan, eio at glai, ivan, hasmin at abet, at bei; at kahit di naglaro, humabol din si rye. para akong ibinalik ng mga kalahating dekada sa panahunan. mas masaya pa nga sana kung naroon si ralph, cats, pb, praning, eka, lau, george, alis at mga lumang tao sa PA. sa uulitin! :)

tungkol sa high school batch namin at ang mga bagay na napagtanto

madalang na akong makapagbukas ng yahoo mail dahil ang lahat ng mahahalagang mensahe ay tinatanggap ko na ngayon mula sa gmail. madalang na tuloy akong ma-update sa mga pangyayari sa mga yahoo groups ko, lalong-lalo na ang yahoo group namin ng aming high school class. nagulantang na lamang ako sa tumambad na 125 messages sa folder kong "High School" nang minsang maalala kong bumisita. si john rey bautista ang kaklaseng naging pinakamalapit sa akin sa literal na paraan; halos sa buong apat na taon ng mataas na paaralan ay magkasunod na tinatawag ang "batac" at "bautista" kaya sa tuwing pauupuin kami sa alpabetikong pagkakahanay ay sadyang magkakatabi kami ni janrei (sumunod lang siguro siya kay leo sa dami ng pagkakataon na naging katabi ko sa buong buhay high school). si janrei ang robert akizuki, a.k.a. masked rider black ng klase. ang janrei na ito ang siya ko pang naging kapares sa paggwa ng "investigative project" para sa chemistry class sa...

tungkol sa applications para sa instructor positions sa nip

ngayon ang teaching demo at interview ng mga mag-aapply sa nip. mabibilang sa tatlong grupo ang mga nag-aapply para magturo sa nip ngayong dumarating na academic year. ang unang grupo ay ang pinakamarami at masasabing perennial na grupo; sila ang mga nip graduate ng bs na nais magturo sa nip para tustusan ang ms studies. ang ikalawa ay mga ms physics graduates ng nip, na maaaring nakapagturo na rin sa ibang paaralan o maaring hindi pinayagan ng kanilang adviser na magturo noong estudyante pa lamang sila ng ms. lahat ng iba pang hindi pasok sa kategoryang ito ang bubuo sa ikatlong grupo. noon, ang pagpasok sa nip bilang guro ay halos awtomatiko na para sa lahat ng gustong mag-ms. kaunti lamang kasi ang bilang nila noon. pero habang unti-unting nagiging mas-viable na option ang pagpasok muna sa ms bago lumabas tungo sa industriya, humigpit ang kompetisyon at tumindi ang requirements na dapat maabot bago makapasok sa nip. nagkataon lang talaga na noong panahon nang pagaapply ko ay hin...

tungkol sa mga naiisip kapag tinatrangkaso

nakalugmok ako ngayon sa aking office chair sa bahay, nakaharap sa laptop, umiikot ang paningin habang sinusubukang maging produktibo. sa pagkaubos ng load at sa hassle ng pagtngo sa tindahan para magpaload, ang maliit na modem ng smart bro ang nagsisilbing siyang tanging paraan ng pakikipag-usap ko sa mundo sa labas. hindi ko iniinda ang sakit ng katawan at init ng lagnat dahil sa kakaibang pakiramdam na idinudulot ng pagkakataon. matagal-tagal na rin mula nang huli kong maranasan ang ganitong uri ng kalagayan. ito ang buhay na itinuturing kong simple, malayo sa komplikasyon na dala ng modernong mundo. naaalala ko, gaya ito noong bata pa ako. nakakahingal ang umaga, sa pagmamadali para makahabol sa paaralan. bigla naman itong magbabagong-anyo at magiging nakakainip kapag nasa loob na ng silid-aralan. subalit magbabago ang lahat pagdating ng maligayang hapon. may kakaibang panghalina ang kulay-gintong liwanag ng hapon. may kurot sa puso kapag bumabalik ang alaala ng kabataan, ng mg...

tungkol sa authorship

pagdating sa publications sa mga scientific journals, mahalaga ang pagkakasunud-sunod ng mga pangalan ng mga may-akda. ang unang pangalan sa listahan ang nagbigay ng pinakamalaki at/o pinakamahalagang ambag sa pangkalahatang tema ng papel. maaring siya ang gumawa ng pinakamalaking eksperimento; o gumawa ng matematikal na modelo ng sistema; siya marahil ang nagbigay ng pakahulugan sa mga resulta; o siya kaya ang nagsulat ng akda, ginawa itong higit na kapanapanabik. ang pagiging unang may-akda ay nagbibigay sa kanya ng higit na karapatan para sa pag-angkin sa mga resulta; kapag marami siyang kasama, kadalasan nang pangalan lamang niya ang binabanggit ng sinumang sumisipi sa kanilang akda. ang huling pangalan ay kadalasan nang inirereserba para sa pinuno o adviser ng grupo ng mananaliksik, gaano man kalaki (o kaliit) ang aktuwal na naidagdag niya rito. iniiwan nito ang ikalawa, ikatlo, at iba pang mga pangalan sa isang pagkakasunud-sunod na nagpapahiwatig ng lumiliit na kahalagan. ang pa...