Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2007

tungkol sa weird na mga panaginip

napaka-vivid ng eksena: nasa kalagitnaan ng isang research meeting si Tons, Earl at ako. ang lunan ay ang mga pasilidad ng Instru sa bagong NIP. hindi man nabanggit ay ipinahihiwatig na noo'y kalaliman na ng gabi, maaring nasa pagitan ng hatinggabi at madaling araw. walang anu-ano ay akmang aalis si Earl, iniiwan kami ni Tons na nasa gitna ng isang malalimang diskusyon. nailalarawan ko pa rin sa isip kung paano tumango at sumagot ng "Oo" si Tons sa mga paliwanag ko, para bang sa tunay na buhay. ang mga sumunod na pangyayari ay nagpapahiwatig na tungkol sa earthquakes ang pinag-uusapan namin. kaya pala umalis si Earl ay upang humanap ng reperensiya tungkol sa isang lindol na supposedly nangyari sa Roma noong sinaunang panahon, isang lindol na supposedly ay napakalakas. bigla na lang may lumapat na mga kamay sa aking balikat: si Erika. tinatawag niya ako, hinihiram ang susi sa isang locker na umano'y nasa aking pag-iingat, dahil dinidistrongka na raw ito ni Earl. ...

tungkol sa mga pasukan (na naman) ngayong Friday

nakakangarag ang mag-handle ng isang Mechanics Laboratory class sa loob ng dalawang oras. mas nakakangarag ito kapag kailangan mo itong gawin nang 3 ulit at walang patlang, mula ika-8 n.u. hanggang ika-2 n.h. wala nang mas ngangarag pa rito kapag ang lahat ng klase mo ay nahuhuli na dahil sa mga kawalan ng klase na dulot ng bagyo atbp., kaya mapipilitan kang magpagawa ng 2 experiment sa isang meeting. nasumpungan ko ang aking sarili na nasa gayung-gayong kalagayan ngayong umaga. di alintana ang lamig ng tubig na busog sa hihip ng hangin ni Dodong, naligo ako nang ika-4 n.u. sumuot sa maong sa pagkagat ng pan de sal, pumailalim sa kamiseta na higup-higop ang kape. binabasa ang Activity Manual kaya't muntik nang mapagbuhol ang sintas ng kaliwa't kanang paa. halos sikuhin ko na ang super-bagal-magpatakbong tsuper. pinapangarap kong magkagulong at rocket ang mga sapatos nang kahit paano'y mabawasan ang sampung-minutong lakarin, hindi, takbuhin mula AS tungo sa Llamas. at ...

tungkol sa mga pagkakamaling hindi dapat pinalalampas

napailing na lang si Papa nang marinig ang kapitbahay namin. isang batang wala pang sampung taong gulang ang ilang beses nagmura nang malutong na P_T_NG_N_!!! nang pagalitan ito ng kanyang ama, pinigilan ito ng kanyang ina. "Bata pa kasi. Hindi pa alam ang ginagawa." pero kailan ba ang tamang panahon para matutunan ang bagay na iyon? hindi ba't sa pagkabata? sabi nga ng isang matalinong kasabihan: "Train up a child in the way he should go,Even when he is old he will not depart from it." (Proverbs 22:6) kaya sa pananaw ni Papa, habang maaga ay dapat nang maituwid ang isang pagkakamali. kailangan matutunan ang isang leksiyon, gaano man kahirap, sa unang bagsakan. sa akin naman, mas lenient nang kaunti. para sa akin, everybody is entitled to commit a mistake (even a grave one) ONCE. minsan lang dapat pagbigyan at patawarin ang mga bagay na mali. minsan mas malalim na aral ang itinuturo ng pagpapatawad sa unang pagkukulang. magbibigay ito ...

tungkol sa pag-uwi, aggregate quarrying at sa pagkakaibigan

mahirap umuwi sa amin kapag gabi na. tulad ngayon. nakakatakot ang naglalakihang trak ng graba na humaharabas sa Marcos Highway. mga walang modo. pagkalalaki ay siya pang umo-overtake. makailang ulit na rin akong nakakita ng mga aksidenteng muntik nang matuloy at muntik nang maiwasan. nang ipagawa ni Marcos ang Marikina-Infanta Road (na mas kilala ngayon bilang Don Mariano Marcos Highway, isinunod sa pangalan ng tatay nya at makailang ulit nang ninais papalitan ng pangalan sa Kamara), literal na hiniwa ang kabundukang Sierra Madre. inilantad nito ang kayarian ng bedrock ng mga nagtataasang natural na "gusaling" iyon. naaalala ko pa noong ikalawang semestre ko sa UP na nagkaroon kami ng tour sa Marikina at Antipolo, kung saan nagtipak pa kami ng rock samples mula sa cross-section ng isang burol at ni-reconstruct ang geologic history (na ang bottomline ay na ang Antipolo, na tanyag ngayon dahil sa mga cliffs overlooking Manila, ay nabuo sa ilalim ng dagat). Further east...