Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2007

tungkol sa paglipad

hindi ka ibon e. hindi para sa iyo ang alapaap. noon siguro ay pinangarap mong angkinin ang papawirin at lumipad hanggang sa hangganan ng tanaw. pero inagaw ng panahon at pagkakataon ang iyong pakpak. itinalaga ka sa lupa, na siya mong tadhana. dito ka humimlay at nanaginip. dito ka natanim at namunga. kaya bagamat ibinigay sa iyo ng langit ang iyong kalayaan, ibinigay naman ng lupa ang iyong kapahingahan. sa pana-panahon ay muli kang paiimbulog sa ihip ng hangin, tatangayin ka sa rurok ng kaligayahan sa likod ng mga ulap. pero pagkatapos mong lumipad sa alapaap, siguraduhin mong bababa ka muli sa lupa. sa malambot na kanlungan nito na sa iyo'y naghihintay.

tungkol sa pagyayabang

kasi naman, wag nang ipagsabi kapag hindi naman tinatanong. paghambingin ang dalawang nagkaroon ng bahagi sa parangal ng College of Science sa mga nagsipagtapos ngayong taon. ang Direktor ng Institute of Biology (ewan ko kung direktor nga ba siya) ang unang tinawag upang ipakilala ang mga nagsipagtapos mula sa kanilang mga akademikong programa. nagpasimula siya sa pagbanggit ng bilang ng nagsipagtapos na summa at magna at cum laude sa Biology. nang hindi naman tinatanong at hindi naman kailangan (at kasama) sa programa. duh. kaya nga may printed program, 'di ba? para ipaalam kung ilan ang mga may natatanging parangal mula sa mga estudyante. marunong kaming magbilang. at as if naman ay isang dahilan para ipagkapuri ang bilang ng kanilang mga may-award. ilan kaya sa mga ito ang mananatili para mag-enroll para sa kanilang mga programang gradwado (by the way, ilan nga ba ang nagtapos mula sa kanilang graduate program?)? kung meron mang matutuwa, siguro ay ang Kolehiyo ng M...