Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2006

tungkol sa anak na di anak, asawang di asawa, at mga manugang

may nanliligaw sa "anak" ko sa org, at marami siyang tanong. marami kasi siyang gustong sabihin pero hindi masabi. isa lang ang sinabi ko sa kanya nung itanong nya kung ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon: "kung ayaw mo, SABIHIN mo. kung gusto mo, IPARAMDAM mo." yan kasi ang hirap sa pag-ibig. walang step by step procedure (mabuti pa ang magturo ng physics lab), at hindi naman pwedeng i-trial-and-error dahil damdamin ang nakataya. laging case-to-case basis, walang generalization na pwedeng gawin. isa pang dahilan kung bakit napakaikli ng sagot ko ay ito: ako mismo ay hindi expert pagdating diyan. ayokong magaya siya sa amin ng "nanay" niya. unti-unti kong namamalayan na nagiging "tatay" na talaga ako sa kanya. gaya ng mga tunay na tatay na nagtatrabaho buong maghapon at pagod pag-uwi, nabawasan, kung hindi man lubusang nawala, ang panahong ginugugol ko kasama ang "anak" ko. buti na lang at meron siyang "asawa", si...

tungkol sa ako, ikaw at siya (pahabol)

http://rcbatac.blogspot.com/2006/05/tungkol-sa-ako-ikaw-at-siya.html Abalang-abala ako ngayon sa pag-intindi sa mga estudyante ko. Kung paano sila matututo (at papasa). Ikaw yata, nasa kung saan. Hindi ko alam. Basta sa isip ko napi-picture kita na may desk sa isang opisina, papasok ng alas-otso at lalabas nang alas-singko. Sa katapusan ng buwan, susuweldo. Siya ,nandito pa rin. Nagkakasabay kami sa paglalakad minsan papunta sa Vinzons o Katipunan. Di pa siya guma-graduate. Pero malapit na yata. Ganyan talaga. Minsan hindi natin makukuha ang mga bagay na gusto natin. (Teka, sino ba ang sinasabihan ko nito: ako , ikaw , o siya ?)