Tapos na ang klase, pero hindi pa ako umuuwi. Hindi pa kumpleto ang araw ko kapag hindi pa dumarating ang ganitong pagkakataon. After all, ang root word naman ng "maghapon" ay "hapon"; kaya para sa akin, matapos ang malalim na gabi, mahabang umaga at mainit na tanghali, nagsisimula pa lang ang essence ng pagpasok ko sa school. Ikaw rin. Naroon ka rin sa loob ng silid-aralan tulad ko, kahalubilo ng iba pa nating kamag-aral na kung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Ikaw ang aking isla sa gitna ng malawak na dagat ng mga usapan at kulitan. Ikaw ang sumasagip sa akin mula sa pagkakatangay ng iba’t-ibang alon ng personalidad sa maliit na mundo ng klase. May apat na taon din akong na-stranded sa iyong mga baybayin. Siya ? Wala siya. Wala na siya. Gugugulin niya ang hapon sa labas. Ako ang magtatanong. Kukumustahin ko ang buhay mo, na para bang hindi ko namamasdan ang kabuuan nito. Magtatanong ako sa mga nangyari sa araw mo, na para bang hindi mo ako kasama mula...