Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2021

tungkol sa palaruan sa kabilang ibayo ng ilog

  Sa maalamat na Republika ng Kabataan, nagtipun-tipon ang mga halal na kinatawan ng sangkabataan, mula sa Punong Ministro hanggang sa kaniyang gabinete at mga miyembro ng batasan. Napapaharap sila sa isang malaking pagpapasiya, isa na nasa kaibuturan ng interes ng bawat bata sa bansa.  Matagal naman na ang problema, pero ngayon pa lang nagkakaugong para mabigyan ito ng pagkilos. Ang siste, wala man lang palaruan sa buong republika. Wala! Sa nag-iisa pa namang bansa ng mga bata! Ang mga mamamayan ay nagkasiya na sa pagpaparoo't-parito sa mga kaparangan, pag-akyat sa mga puno sa kagubatan, o ang pagpapagulung-gulong sa mga parke. Pero isang palaruan? Wala, wala ni isa man.  Kaya nagpulong ngayon ang lahat ng mga opisyal para tuluyan nang sagutin ang hiling na ito ng bawat isa nilang nasasakupan. Nabuo na ang plano, sa totoo lang; sa pagtantiya nila, ito na marahil ang magiging pinakamalawak na palaruan sa buong mundo. Lamang ay walang mapagtayuan kung saan ito magkakasiya....