Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2020

tungkol sa di pa naitutuloy na konstruksiyon

Para maiba naman, sinubukan naming lumabas ng bahay patungo sa mga itinatayong bloke ng mga bahay sa tapat namin. Hindi naman kasi gayon ka istrikto, basta nasa loob lang ng subdibisyon namin. Ang totoo, mga parang at damuhan ang nasa harapan namin kung saan itinatayo ang mga bagong bahay, at wala naman talaga kaming makakahalubilong mga tao.  Lalo pa’t mahigit isang buwan na mula ngayon nang tumigil ang mga nagtatrabaho sa konstruksiyon. Kitang-kita ang mga bakas na iniwan nila ang kawalang-kasiguraduhan ng kanilang pag-alis. Nariyan ang mga scaffolding  na hindi man lamang naisalansan. Mga hinukay na pundasyon, na unti-unti nang muling natatabunan ng nagdaang mga pag-ulan. May naiwan pa ngang bareta at martilyong walang hawakan, maliban pa sa nagkalat na mga alambre at pinutol na mga bakal.  ***** Gaya ng marami, ang mga trabahador na ito ay hindi rin naging handa sa biglaang pagdedeklara ng quarantine  sa buong pulo. Marami sa mga nagtrabaho rito ...