Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2019

tungkol sa pagkamiss sa Jollibee

Noong bata pa ako, ang bawat selebrasyon ay may kaakibat na pagbisita sa mga fast food para sa burger, fries, spaghetti, o ice cream. Noon, pinakasikat pa rin ang McDonalds, kasi, siyempre, bilang mga Pinoy, mas sikat pa rin sa atin ang produktong mula sa ibang bansa. Malapit sa aming eskuwelahan, meron ding Cindy's (na wala na yata ngayon), na pinupuntahan dahil sa palaruang pambata. May Wendy's na rin, at Kentucky Fried Chicken (oo, ginagamit pa nila noon ang buong pangalan at hindi lang ang acronym).  Pero iba pa rin ang Jollibee.  Hindi ko alam kung ano, pero kapag bata ang tinanong mo, Jollibee ang una niyang isasagot na gusto niyang puntahan. Iyon kaya ang kakaibang paggulong nito sa dila, na mas madali at masarap sabihin kaysa sa tunog-mekanikal na pangalan ng mga kakompitensiya niya? O baka ang mga awitin at TV commercials, na kasama pa si Aga Muhlach at Donna Cruz? Mas cute ba ang mascot na pulang bubuyog kaysa sa payaso? Anuman ang mga ito, bilang mga bata, ...