Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2019

tungkol sa mga bato sa tabing-dagat

Sa pamamasyal namin sa Agno, Pangasinan, naglakad-lakad ako sa tabi ng maalong dagat.  Tumambad sa akin ang isang bahagi ng dalampasigan na punung-puno ng mga bato. Mga pebbles  yata ang tawag dito sa Ingles. Ang mga bato, na mula sa pagkaliliit hanggang sa ilang mga sentimetro ang haba, ay makikinis, makukulay, at may iba't-ibang hugis. Sa sobrang ganda nila, ang mag-ina ko ay namulot at nag-uwi ng isang balde nila.  Lumusong ako ngayon sa maalong dagat.  Sa gitna ng daluyong, may isang rehiyon kung saan mabato ang naaapakan ko. Dito umaalimbukay ang paparating at ang papalayong mga alon. Gamit ang goggles, sinisid ko ang ilalim, at hayun! Doon pala sila makikita. Ang mga bato, mga pebble, di hamak na mas marami kaysa sa mga napadpad sa pampang. Sa bawat pagsalunga, sila ay natatangay at inihahampas ng alon pababa. Sa bawat araw, hindi humihinto ang mga alon sa paghataw sa kanila, anupat kumikiskis sila sa bawat isa. Kaya pala sila makikinis. Kaya...

tungkol sa kawayan at sa niyog

Dumaan na sila sa ilang maraming mga tag-init at mabagyong panahon nang magkasama. Magkababata sila halos; nauna lang siguro nang ilang taon ang Niyog. Pero mas matangkad at payat na si Kawayan noong bagong tanim pa lang siya, di tulad ni Niyog na medyo mabilog nang umpisa at dahan-dahan na lang nagkalaman nang bandang huli.  Si Niyog ay tumayog nang tumayog; sa paglaki niya ay napagtiisan niya ang pagsibak ng kanilang May-ari sa kaniyang mga tagiliran para gumawa ng akyatan. Makailang ulit na rin siyang nagbunga, na madalas din namang pinipitas ng may-ari. Ibang istorya pa ang tuba. Si Kawayan naman, lumago na ang mga bagong sibol, na pumalibot na sa kanya. Ito naman ang hinahawan ng may-ari sa pana-panahon, kasama na ang kaniyang nagsala-salabid na mga sanga.  Isang araw, matapos malasing sa kasaganaan ng liwanag ng araw at hangin, nagkausap sila.  “Hindi rin kita minsan maintindihan, pare,” anang Niyog, habang marahan pang kumakampay ang mga dahon sa m...