ang pera na siguro ang pinakaabalang imbensiyon ng tao. isang paparating na pelikula ang may subtitle na "Money never sleeps". kung tutuusin, sa literal na diwa ay totoo ang mga pananalitang ito. ang piso ay sandali lamang kung makapahinga sa bulsa o alkansya, at malamang na magpatuloy na magpasalin-salin sa kamay ng kung sinu-sino hanggang sa makatarating ito sa bangko sentral, kung saan maari itong mapalitan. kung hindi man, kung gayo'y hindi pa rito natatapos at magpapanibagong ulit pa ang siklo ng pag-ikot ng kawawang piso. ang pera nga daw ang nagpapaikot sa mundo. sa puntong ito, hindi na literal na masasabing totoo ang nasabing bagay. sa pisikal na diwa, umiinog ang mundo nang dahil sa mga batas ng grabidad. sa katunayan, umikot na nang di mabilang na ulit ang planeta kahit pa noong mga panahong wala pa ang pera. kahit pa noong mga panahong wala pang kalakalan. kahit pa noong mga panahong wala pa ang tao. oo, tao ang nag-imbento sa pera. tao ang dapat magpa...