masakit sa ilong ang paulit-ulit na pagbahing dahil sa alikabok. alikabok na dala ng paghalukay sa mga tambak ng papel at aklat, mga naka-folder at envelope na mga worksheet na nakasiksik sa kailalim-ilaliman ng malaki at lumang aparador. walang saysay ang panyong tumatakip sa mukha dahil wari bang pinuno na nito ang hangin sa loob ng saradong 3234. masakit sa ulo ang paghahanap ng mga kahon. mga kahong paglalagyan ng ilan pang mga gamit na nakuha mula sa mga estante at drawer. ang inaakala mong sapat nang tatlo o apat na balikbayan boxes ay kulang pa pala para sa personal mong mga gamit; hindi pa kasama ang mga papel ng mga estudyante na kailangan mong ingatan sa loob ng limang taon. nagkakaubusan na rin ng envelope at plastic bag sa mga faculty room. masakit sa katawan ang pagbubuhat. hindi mo naman pwedeng basta itulak ang mga kahon at kabinet sa ngayo'y magaspang nang sahig ng pasilyo. hindi rin madali ang iwasan ang mga gamit ng mga laboratoryo na nakahi...