Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2008

tungkol sa araw ng kalayaan

ngayon talaga ang opisyal na petsa ng kalayaan ng Pilipinas. ang tatay ng kasalukuyang pangulo ang lumagda sa batas na nagtatakda sa ika-12 ng hunyo bilang araw ng kalayaan. ang petsang ipinagdiriwang noon, ika-4 ng hulyo (na kasabay ng sa amerika) ay itinalaga na lamang bilang filipino-american friendship day. ngayon din (yata) ang unang araw ng pasukan ng ateneo de manila. at paano ko nalaman? sapagkat kaninang tanghali, hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa katipunan. napilitan akong maglakad mula sa kanto ng aurora hanggang sa aking patutunguhan, ang bagong gusali ng nip, sa kanto ng c.p. garcia. kaya naman ngayon, sa unang pagkakataon ng pagharap ko bilang guro, ay hindi na ako mukhang tao sa harap ng mga estudyante, naliligo sa pawis at hinahabol ang paghinga. grrr...

tungkol sa pasukan at mga phase shift

ang yugto ng kaba na karaniwan nang dumarating sa pagsisimula ng pasukan ay napalitan ngayon ng pagod at pagwawalang-bahala. bago pa man kasi ang pasukan ay sinaid na ng napakaraming mga responsibilidad ang anumang natitira ko pang lakas at pagkasabik. kung noong undergrad ay pinapangarap at pinapanalangin ko ang pagdating ng pasukan para iahon ako mula sa malalim na hukay ng kawalang ginagawa (at kawalang load at kawalang pera), ngayon ay unti-unti nang nawawalan ng taginting ng pag-asa ang pagsapit ng unang linggo ng hunyo... ...dahil sa pagsapit nito, muli na naman akong maihahanay sa daan-daang libo na nabubuhay bawat saglit ng kanilang buhay para gumawa, magtrabaho, at higit sa lahat ay mabuhay. ang ligaya ng pagtulong sa ibang tao (at lalo pa sa mga bata) na matuto, ang kagalakan ng pagtuklas ay nilulunod ng realidad ng pang-araw-araw na buhay kung saan wala nang libre at wala nang madali. masakit mang isipin, kung minsan ay nangingibabaw na lamang ang layuning kumita ng pera...