tungkol sa pagtatrabaho sa mga kapihan
May panahon mga ilang dekada lang ang nakakaraan kung saan ang kape ay inihahanda lang sa bahay, hindi mahal, at hindi simbolo ng mataas na panlipunang antas. Oo, inabot ko iyon. Isang popular na brand ng instant na kape ang binibili ng mga magulang ko, ang isa na nakalagay sa espesyal na baso. Pagkaubos ng mga butil ng kape, hinuhugasan ang lalagyan nito para magamit na pang-inom. Wala pa ring three-in-one noon, at bago pa lang na lumalabas sa merkado ang non-dairy creamer. Kaya noon, magtitimpla ka sa mainit na tubig ng isang kutsarang kape, saka mo lalagyan ito ng gatas (na pulbos din) at asukal. Hindi ko makakalimutan kung paano halos masuka ang nanay ko kapag tinitikman niya ang kape ko, na ang tawag niya ay arnibal dahil sa tamis. Samantala, nang mga panahon ding iyon, isang rebolusyon ang pagdaraanan ng kape at ng buong mundo. Sa Seattle, nagsimula ang komersiyalisasyon ng kape. Ibinandila ito bilang isang panlibangang inumin, na mas magandang inumin kasama ng mga kaibigan sa