tag:blogger.com,1999:blog-53946313394186298652024-03-28T09:23:06.589+08:00tungkol sa kung saan saanUnknownnoreply@blogger.comBlogger228125tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-72561293004861804922024-03-22T08:24:00.088+08:002024-03-28T08:52:45.585+08:00tungkol sa pinutol na avocado at bayabas
Kamakailan, may mga aktibidad sa loob ng subdivision.

Ang homeowners association ay biglang naging aktibo sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga kabahayan. Sabihin pa, kinailangan nila ng opisina para maging sentro ng gawain. Nagkataon namang hindi pa natitirhan ang mga bahay na naitayo sa tapat namin. Instant office! At para maging maalwan ang kanilang parking, hinawan nila ang espasyo sa aming pagitan. Ang casualty? Ang mga puno ng avocado at bayabas, hitik pa naman sa bulaklak ngayong magtatag-araw.

Mga labindalawang taon na ang mga punong iyon, itinanim ni Papa sa noo’y mga putikan sa harap ng bahay. Nakailang siklo na rin ito ng pamumulaklak at pamumunga. Paborito ni Stacie ang matamis na hinog na bayabas, na ipinakikipag-agawan ng Lolo niya sa mga ibon na busug na busog din sa mga ito. Paborito naman ni Steph ang mga avocado, na bagamat nananatiling berde kahit hinog ay malinamnam pa rin at matamis ang laman.

Pero noong nakaraang linggo? Pinutol ang mga iyon, wala mang permit, para bigyang-daan ang isang opisinang hiram.

Pero pagdaan ko kahapon, tumambad sa akin ang isang nakatutuwang tagpo.

Muling sumisibol ang berdeng mga dahon mula sa naiwang mga tuod at ugat. Sa gitna ng mainit na araw ng Marso sa kasagsagan ng El Niño, heto sila at berdeng-berde. Nariyang magulungan ng mga kotse at SUV, pero buhay na buhay pa rin, nakatayo at handang abutin ang langit.

Ang naputol na avocado at bayabas ay isang mariing paglalarawan sa buhay sa pangkalahatan. Makailang ulit man tayong putulin ng mga is panlabas na puwersa, madalas ay wala man sa katuwiran, hindi nila maaalis ang mga bagay na di-nakikita, ang mga bagay na panloob. Gaya ng naiwang tuod at malalim na ugat, nasa atin ang lakas at kakayahan para muling sumibol, magdahon, kahit pa nga muling mamulaklak at mamunga.

Para sa avocado at bayabas, nakaprograma ito sa kanilang kayarian, kaya’t mangyayari at mangyayari ito. Pero sa buhay natin, hindi ito laging awtomatiko, na para bang biglang sasagip sa atin gaya ng instinct. Kailangan natin itong piliin.

Kaya hayo na, salubungin ang araw at abutin ang langit. Panahon na para sumibol at mapanariwa. •

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-52392120242926967172024-03-15T07:55:00.001+08:002024-03-15T07:55:06.964+08:00tungkol sa mga tanawin mula sa opisina
Tuwing Biyernes, maaga akong pumapasok sa opisina.

Ayoko kasing naiipit sa trapiko. Lalo pa nga ngayon, na akinse ng buwan. Aba, kahit nga alas-kuwatro y media ako umalis, naipit pa rin ako sa C5 (may nasirang dalawang truck, na animo'y nakikisabay pa sa pagkaabala ng kalsada).

Kaya kapag dumarating ako, hindi pa sumisikat ang araw. Gaya ngayon.

Maliwanag na, pero wala pang gintong mga sinag sa paligid; alam mong maaga pa.

Pero sa lokasyon ng opisina namin, kung saan napakaraming mga nagtatrabaho na nakabatay sa oras sa ibang bansa, para bang nawawalan na ng pagkakaiba ang maaga at ang huli na, ang mismong umaga at gabi. Habang sumisilip sa ibaba, nakikita ko ang maraming mga masisipag na mga trabahador; ang iba ay papauwi, kararating lang ng iba, at ang iba naman ay nasa kanilang coffee break. Hindi natutulog ang mga kalsada at establisyamento ng lunsod, habang mabilis na humuhugos ang mga tao.

Napaupo ako ngayon sa isang walang-lamang opisina, gising sa dalawang baso ng kape. Binuksan ko ang laptop para magsimulang gumawa.

Sa halip, binuksan ko ang blog na ito, na mga isang taon ko nang hindi nagagalaw.

Gusto kong gamitin ang pagkakataong ito para ilarawan ang tagpo. Isang tagpo na sumapit sa gitna ng mabilis na takbo ng buhay. Isang tagpo na hindi na mauulit.

Siyempre, araw-araw pa rin akong papasok, iiwas sa matinding trapiko, magmamasid ng mga tanawin mula sa walang-laman kong opisina. Tiyak na hindi naman magkakalayo ang mga mamamasdan ko.

Pero iuulat ko ang ngayon, isang testamento sa isang panahong naglagi ako sa opisinang ito sa ikapitong palapag, nagmasid at naalala ang kabilisan ng buhay, at nagpasiyang huminto sandali para magnilay-nilay.

Uy, ito na pala ang araw.

Okay na. Kailangan ko na ring magtrabaho. Tapos na ang paghinto sandali. Hindi humihinto ang buhay. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-23983734531282143112023-10-13T09:01:00.066+08:002024-03-28T09:22:29.190+08:00tungkol sa mga tagpo habang nakaangkas sa motorsiklo
Malayo ang Maynila, at matrapik ang paglalakbay. Ang dalawang oras na paggapang ng kotse kong manual transmission ay para bang katumbas ng sampung taon. Paglabas ko sa kotse, para bang kailangan ko ng tungkod, mababali ang likod.

Kaya sinunod ko ang payo ng bayaw ko at nagpahatid (madalas ay sa kaniya rin) sa pamamagitan ng motorsiklo.

Ang pag-angkas sa motorsiklo ay may kamahalan kumpara sa normal na serbisyo ng transportasyon, pero di hamak na mas mura kumpara sa pagpapahatid sa kotse (na, maisingit ko lang, isang monopolyo). Pero mabilis ito, dahil sa pagsingit-singit sa maliliit na espasyo sa pagitan ng mga sasakyan. Nakakapanibago sa simula ang paghawak at pagbalanse, pero makakasanayan din naman pagtagal. Hantad ka sa mga elemento kapag sumasakay ka sa motorsiklo, pero buong-buo naman, lagpas 180-degree view ang mga tanawin.

Siyempre, nakakabahala rin ang mga posibleng aksidente. Pero dahil ito na rin ang ikinabubuhay nila, alam na rin naman ito ng mga drayber. Napapakiusapan naman sila. At masaya rin naman silang kausap.

Hindi siguro ako bibili ng motorsiklo na pansarili; hindi pwede ito kay misis at pakiramdam ko ay hindi rin ako komportable. Pero sa malapit na hinaharap, nakikita kong mas magtitiwala ako sa anyong ito ng pagbibiyahe. Delikado man, pero sa mga sandaling nakaangkas ako sa motorsiklo, wari bang may dala itong maliit na sandali ng kalayaan. •

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-68367531919307941362023-05-28T19:05:00.019+08:002024-03-15T07:33:10.339+08:00tungkol sa mga pasyalang malapit lang
Matagal-tagal na rin kami sa lugar namin, kaya naging pangkaraniwan na lang ang mga tanawin.

Ang tahimik na mga gabi na malayo sa ingay ng sibilisasyon? Isa ito sa mga nakaakit sa amin sa pagtira sa bundok. Pero ngayon, hindi na namin ito nabibigyang-pansin man lang. Kami pa nga minsan ang bumabasag nito sa tulong ng Youtube Music at ng Netflix. Kung hindi pa kami i-chat ni Mama (na nasa katabing bahay), hindi pa namin malalaman na naririnig na ng buong barangay ang pinapanood namin sa telebisyon.

Ang mapunong mga tanawin, na may dalang sariwang simoy ng hangin? Muli, pangkaraniwan. Ang totoo, mas nagugulantang pa nga kami at hindi nagsasawang pagmasdan ang maitim na kaulapan ng smog ng Maynila, na kitang-kita mula sa aming bintana.

Iyon pa nga pala: Ang mga tanawin ng lunsod, ang mga naglalakihang gusali na gumuguhit ng liku-likong abot-tanaw? Nakikita namin ito, pero hindi naman masyadong pinapahalagahan. Wala na ang unang pagkamangha na tinaglay namin nang masilayan ito, mga labindalawang taon ang kaagahan.

Matapos ang pagpupulong, nagkayayaan kaming magkakaibigan na subukan ang isang restawran sa bundok, mga ilang bloke lang mula sa amin. Mas mataas pa ito sa kinalalagyan ng mga komunidad namin. Matagal naman na ito, pero hindi naman namin unang naiisip kapag gusto naming magliwaliw. Pero naisip naming bisitahin ito ngayon dahil dito rin nagtatrabaho ang pamilya ng isa naming kabataang kaibigan.

At mabuti na lang at ginawa namin ito.

Napakaganda pala ng paligid (oo, ng LITERAL na paligid lang ng bahay namin). Ang mga tagpo sa kabundukan, na nakasanayan lang namin, ay para bang biglang naging kaakit-akit muli. Malamig nga pala ang hangin sa amin, kahit pa sa katanghalian. At ang buong Maynila, na tanaw mula sa hilaga hanggang sa timog: may dala pa rin itong ganda at pagkamangha. Nakakarelaks ang pasyalang ito. Kahit pa ito ay malapit lang. Dahil nakita namin ito sa unang pagkakataon.

Pero siyempre, hindi naman nawawalan ng ganda ang paligid namin. Nawalan lang kami ng pagpapahalaga.

Gayon naman talaga ang tendensiya ng tao: ang mawalan ng pagpapahalaga sa mga bagay na nakasanayan na. Hindi lang ito kumakapit sa magagandang mga tanawin at kalagayan sa paligid namin; pwede rin itong mangyari sa isang tao, bagay, o maging mga gawain at oportunidad. Ang dating isang kapana-panabik na bagay ay wari bang nawawalan ng kulay, hindi dahil naluma sila, kundi dahil lumabo ang ating mga mata.

Habang nasisiyahan sa masarap na pagkain, tawanan at kulitan, at magagandang kapaligiran, ipinasiya kong ingatan ang tagpong ito sa aking puso. Huhukayin ko ito at ang aral na dala nito sa pana-panahon. Hindi man ako mapalayo sa kung anuman ang lugar at kalagayan, titiyakin kong muling “pasyalan,” wika nga, ang sitwasyon ko. Siguradong may mahahanap akong maganda at mapapahalagahan. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-6267517251894142242023-04-07T20:56:00.128+08:002024-03-15T07:32:27.851+08:00tungkol sa pamamasyal sa bundok at sa dagat
Buong buhay ko, halos nasa kabundukan lang ako nakatira. Mula sa Antipolo, at ngayon ay San Mateo, ang bahay ko ay laging mas mataas kaysa sa kapantayan ng dagat.

Ang totoo, ang mga lugar na tinirhan ko ay bahagi ng iisang kabundukan ng Sierra Madre. Gaya ng isang malaking dingding, wari bang hinahati nito ang hilagang bahagi ng isla ng Luzon sa silangan at kanluran.

Pero maparaan ang tao, at gagawan niya ng paraan ang anumang balakid na iniharap sa kaniya. Kaya maging ang masukal na mga kagubatan at mataas na lokasyon ng Sierra Madre ay hindi nakahadlang para makagawa ang mga inhinyero ng isang kalsadang tatagos sa mga bundok at magdurugtong pa rin sa kaliwa at sa kanan, ang kanluraning punong lunsod ng Kamaynilaan at ang silanganing mga baybayin ng Pasipiko. Isa sa mga ito ay ang sikat na daang kilala sa maraming pangalan: ang Marcos Highway (na kapangalan ng daang paakyat sa Baguio), o ang MARILAQUE (Marikina, Laguna, Quezon), o ang Marikina-Infanta Road (pinakadeskriptibo nitong katawagan).

Malapit kami sa Marikina, kaya pangkaraniwan na lang sa amin ang pinakakanluraning bahagi ng kalsadang ito. Pero naisip kong hindi pa namin natawid ang pinakasilanganing bahagi nito, ang dulo na tatagos sa Infanta.

Kaya ngayon, walang plano, tinalunton namin ang malalapad na daan ng Marcos Highway, patungo sa direksiyon ng Quezon.

Dahil na rin sa kalsada, unti-unti nang tumatagos ang urbanisasyon sa dating mga lugar na natatakpan ng mga kagubatan. Sa magkabilang panig ng paliku-likong daan, makikit ang mga komunidad, mga kabahayan, mga kainan, mga resort na pasyalan. Aba, naipit pa nga kami sa trapiko sa ilang pagkakataon!

Malayu-layong paglalakbay ang kinailangan namin bago marating ang bahagi ng kalsada na masasabing hindi pa halos nagagalaw ng tao (maliban na lang siyempre sa kalsada mismo). Ito, ito ang ipinunta namin. Ang mga bahagi ng kabundukan na natatakpan pa ng berdeng mga kagubatan, na pinapatlangan lang ng mga ilog at talon.

Gusto ko pa nga sanang magtampisaw, pero baka mapasma daw ako sa lamig ng tubig. Nasiyahan na lang kami sa pagtingin sa mga taong nagpapalamig sa malinis na mga daloy.

Hindi pa nagtatagal ay sumapit din kaming muli sa mga matataong lugar, pero sa kabilang bahagi na ng bundok; heto na kami sa probinsiya ng Quezon. Umabot pa nga kami sa karatula na nagmamarka sa dulo ng Marikina-Infanta Road.

Pero siyempre, yamang narito na rin kami, tumulak pa kami pasilangan hanggang sa hangganan ng isla ng Luzon. Hanggang sa matanaw ang baybayin ng malawak na karagatan ng Pasipiko.

Katanghalian na noon, at mabilis nang kakagat ang dilim. Masakit na rin ang likod ko sa pagmamaneho sa paliku-likong matatarik na daan. Higit sa lahat, tinatawag kami ng huni ng hangin na nagmumula sa dalampasigan, at ng tunog ng noo'y papalakas nang mga alon.

Hindi na rin siguro masamang magpalipas ng gabi. At samantalahin ang dagat ng mga pagod na taong-bundok. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-36390273538146132772022-02-05T14:00:00.001+08:002022-02-10T19:19:31.859+08:00tungkol sa mga tagas ng tubo, pag-iisip nang positibo, at pagiging produktibo
Patay na ang telebisyon at nakabihis na ng pantulog ang mag-ina nang bumaba ako mula sa opisina. Sa dami ng trabaho, hindi ko na namalayan na alas-diyes na pala.

Balak ko sanang maligo, pero sinilip ko muna ang labas ng bahay para matiyak kung nakakandado na ang mga gate. Doon ko napansin ang malakas na agos ng tubig sa garahe. Nang taluntunin ko ang pinagmulan nito, aba, tumatagas - bumubulwak - na pala ang tubig sa linya namin sa labas. Nabutas pala ang tubo namin na kinain na ng kalawang.

Nagmadali kaming mag-asawa at ginising si Papa sa kabilang bahay. Gamit ang maso niya, winasak namin ang mga nakasementong bahagi ng harapan ng bahay, at hinukay ang lupa para matalunton ang pinagmumulan ng daloy.

Sabihin pa, natuloy ang paliligo ko. Hindi nga lang sa shower sa banyo, kundi sa bulwak ng tumatagas na tubig sa labas.

Nagpatulong din kami sa mga kapitbahay na namamahala sa mga konstruksiyon sa loob ng subdivision. Sa tulong nila, naisara namin nang kaunti ang main line ng tubig sa kalsada namin. Mabuti na lang at maghahatinggabi; wala na sigurong gumagamit ng tubig sa mga kapitbahay. Pansamantalang pinasakan ang bukas na tubo at mahigpit na sinelyuhan ito nang pansamantala. Para sa gabing iyon.

Ang totoo, umaga na pala. Malapit nang mag-ala-una noon.

Nabuksan na rin ang main valve, at hindi naman tumagas muli ang may-pasak na tubo. Umalis na ang mga tauhan ng subdivision. Umuwi na rin si Papa.

Samantala, itinuloy ko na ang naantalang paliligo (mabuti na lang at walang problema ang kabilang linya). Habang palabas, naabutan ko ring natapos na ang paglalaba sa washing machine, kaya itinuloy ko na ang pagsasampay sa mga ito.

Pero hindi pa rin ako inaantok. Mabuti na lamang at bumaba si Steph. Habang kumakain ng midnight snack, napag-usapan pa namin ang meal plan para sa susunod na mga linggo.

Ganun naman yata talaga. Ang di-inaasahang mga panggulat ng pagkakataon, gaya ng pumutok na tubong iyon, ay nakakainis, mga malaking pang-abala kung tutuusin. Pero sa ganitong mga pagkakataon, saka naman tayo bibigyan ng katawan natin ng lakas at adrenaline rush na kailangan natin. At sa lakas na iyon, magagawa natin ang maraming mga bagay, bukod pa sa paglutas sa mismong problema. Kung positibo tayo sa pagharap nito, siguradong magiging produktibo rin tayo. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-62967452407175306052021-12-01T17:08:00.201+08:002022-01-19T18:35:01.034+08:00tungkol sa sikat ng araw sa mga dahon
Mag-uumaga na; tamang-tama lang ang pagdating namin sa Sunken Garden, na nabalitaan naming bukas na para sa mga mananakbo at mga gustong mag-ehersisyo. Hindi naman kami tatakbo; maglalakad-lakad lang, para matagtag ang katawan nang kaunti. Ang totoo, mas inaabangan pa nga namin ang pagkain sa Rodics pagkatapos ng makailang pag-iikut-ikot.

Pero ang oras ng pagdating namin ay natapat naman sa pasimula ng pagsikat ng araw. Sa aming paglalakad, unti-unti nang lumiliwanag ang paligid mula sa mga butil ng gintong araw na tumatagos mula sa mga dahon. Hindi na lang tuloy paglalakad (at almusal) ang ginawa namin. Gamit ang mga cellphone camera (tig-dalawa kaming mag-asawa, at magkakaibang mga modelo at may-gawa pa), kumuha kami ng mga litrato ng mga kapaligiran, iniiwasan ang pailan-ilang mga mananakbo at mga pamilyang nahahagip ng frame.

Ang pagbubukang-liwayway sa Sunken Garden.

Ang tila isang dambuhalang alon ng liwanag ay binabasag ng mga dahon at sanga ng mayayabong na punungkahoy, na nagdudulot ng malilit na batik-batik ng liwanag at anino. Dahil rito, nakatatagos pa rin ang liwanag, nakakarating sa mga gutom na dahon ng maliliit na halaman sa ibaba. Nakakatanggap rin ng liwanag maging ang damuhan sa pinakasahig ng lupa sa ibaba.

Nagpapalitang mga hanay ng liwanag at anino sa ibaba

Ang sabi ng tatay ko, ang gayong proseso ay kailangan pa man din ng ibang mga halaman. Halimbawa, aniya, ang mga puno ng kakaw (na pinagmumulan ng tsokolate) ay hindi raw mabubuhay kung hindi sa lilim ng mas malalaking punungkahoy. Kapag ito ay nakahantad sa direktang init ng araw, alinman sa hindi ito mabubuhay o hindi magbubunga.

Sabihin pa, hindi naman mabubuhay ang mas maliliit na halamang iyon sa ilalim
ng mas matatangkad na puno kung hindi makakarating sa kanila ang sikat
ng araw. Lahat naman sila — anumang uri, taas, kulay ng dahon, at iba pa
— ay nangangailangan ng liwanag ng araw para makagawa ng pagkain. Mula
pa sa elementarya ay itinuturo na ito ng mga guro, at alam na alam ito
ng mga kabataan bilang ang proseso ng photosynthesis. Na nagbibigay ng
pagkain sa halaman (at sa hayop at sa tao). Na kumukuha ng karbon mula
sa atmospera. Na nagbibigay ng kinakailangang oksiheno (ng mga hayop at
mga tao).

Nakararating ang araw maging sa maliliit na halaman sa ibaba.

Kaya nakakamangha ring tingnan ang pagkakaayos ng mga dahon ng malalaking kahoy sa paligid. Sa pagtingala ko, nakita kong ang isang pagkalaki-laking puno — acacia yata ang mga nakapaligid sa Academic Oval — ay binubuo ng pagkaliliit na mga dahon na maayos na isinalansan, na para bang sinadyang ilagay sa kani-kanilang hanay para sa layuning HUWAG sarilinin ang pagsikat ng liwanag sa bawat umaga. Kung titingnan mula sa ibaba, wari bang inilagay sila sa kani-kanilang mga pulo, na ang mga pagitan ay tulad ng malalapad na ilog. Na sa halip na magpaagos ng tubig ay nagpapatagos ng liwanag.

Mga isla ng mga dahon at mga ilog ng liwanag

Pwede naman sanang samantalahin ng malalaking mga punungkahoy ang kanilang tugatog para sarilinin ang ilaw, anupat gumawa ng kumpol ng pagkayayabong na mga dahon na hindi magpapatagos ng liwanag sa ibaba. At tiyak na may gayong aspekto naman talaga na nasasangkot; naaalala ko pa ang thesis noon ng isang kasamahan namin sa laboratoryo na nag-model kung paano hubugin ng kompetisyon para sa liwanag ang sistema ng mga sanga at dahon. Pero maging sa napakakapal na mga kagubatan, nakatatagos ang liwanag patungo sa sahig nito, na bumubuhay sa iba pang mga halaman at kinapal. Sa katapus-tapusan, ang kompetisyon ay hindi nagiging hindi balanse; ang nagbibigay-buhay na sikat ng araw ay nakararating sa lahat.

Natapos na namin ang pag-iikot at pagmamasid; tuwang-tuwa kami (lalo na ang bata) sa mga kulay at tunog sa paligid. Kaya ipinasiya na naming umalis sa Oval at maglakad pauwi sa condo. Siyempre, dadaan kami sa Rodics, ang isa pang dahilan (baka nga ang pangunahin) kung bakit kami naparito.

Matagal na pumila si Steph sa pagbili, habang nagkukuwento naman si Stacie sa tabi ko sa isang gilid. Pero hindi ko napapansin ang tagal ng serbisyo (ang daming bikers!). Hindi ko na rin halos naiintindihan ang mga sinasabi ng anak ko. Tumatak sa isip ko ang aral mula sa sikat ng araw sa mga dahon. Pero hindi ko maalala ang nauugnay na parirala.

Nakabalik na ang asawa ko nang biglang bumalik ito sa isipan (dahil kaya sa amoy ng tapa at bacon?).

“Trickle down. Trickle down.”

Marami pa rin talaga tayong matututunan sa kalikasan, sa totoo lang. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-15595904662030271262021-10-20T19:06:00.000+08:002022-01-19T19:07:20.032+08:00tungkol sa Closing Time
Kung babalikan ko ang grad school, ang isang salita na unang papasok sa isip ko ay videoke. Halata naman siguro; ilang beses na rin naman itong nabanggit sa blog na ito (at may entry pa akong tungkol lang dito). Siguro, dahil sa hirap ng sitwasyon, ito ang naging paraan ng malikhaing paglalabas ng niloloob para sa amin ng mga kasamahan ko.

At kung videoke lang din naman ang pag-uusapan, isang kanta na laging bumabalik sa isipan ang Closing Time ng bandang Semisonic. Ang awiting ito ay laging inilalagay sa machine kapag ilang minuto na lang at kailangan nang umalis. Tamang-tama kasi ang pamagat at ang nilalaman nito: tungkol ito sa isang tao (o grupo ng mga tao) na tila ba pinapaalis na ng tauhan ng isang papasara nang establisyamento.

Pero kamakailan (oo, dalawampu't tatlong taon matapos lumabas ang kanta at sampung taon pagkatapos ng artikulo — ganyan ako kahuli), nalaman kong ang kanta pala ay tungkol sa pagsilang, tungkol sa pagiging ama ng sumulat nito. Madalas na iniuugnay ang pagsilang sa paglaya, isang bagong pasimula, ang panimula ng buhay. Pero binaliktad ng awiting ito ang punto-de-vista: ang pagsilang ay naging pag-alis, isang pagtatapos.

Ang pagsilang ng isang sanggol ay pasimula ng kaniyang pagsasarili, pero pagtatapos naman ng yugto ng proteksiyon ng sinapupunan.

Ang isang sanggol ay nasa isang ligtas na dako sa panahon ng pagbubuntis. Ito rin ang panahon na siya ay pinakamalapit (literal at makasagisag) sa kaniyang ina. Pero magtatapos ito; gagawa ng paraan ang mismong katawan ng kaniyang ina na palabasin siya, gaya ng isang bouncer sa bar sa huling mga parokyano. Ito man ay masakit at napakadelikado.

Ito ang pasimula ng marami pang pamamaalam at pagtatapos. At ng pagbuo at pagsisimula na kaakibat nito. Si Seneca pala ang unang nagsabi ng matulaing mga linya ng kanta:

Every new beginning comes from some other beginning's end

Ipinaalala ko ito sa sarili ko, habang dumaraan din ako sa maraming yugto rin ng pagtatapos at pagpapanimula. Masakit man o matagal ang proseso, kailangan talaga itong pagdaanan.

Hindi man na ako nagkakaroon ng panahon para sa videoke, aawitin ko na lang sa sarili ang Closing Time, magtitiwala na mapapalakas ako nito para sa pagtahak sa isa na namang new beginning habang unti-unting binibitawan ang some other beginning's end. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-6368749013407948852021-02-15T20:21:00.319+08:002021-10-10T21:41:54.712+08:00tungkol sa palaruan sa kabilang ibayo ng ilog

Sa maalamat na Republika ng Kabataan, nagtipun-tipon ang mga halal na kinatawan ng sangkabataan, mula sa Punong Ministro hanggang sa kaniyang gabinete at mga miyembro ng batasan. Napapaharap sila sa isang malaking pagpapasiya, isa na nasa kaibuturan ng interes ng bawat bata sa bansa.

Matagal naman na ang problema, pero ngayon pa lang nagkakaugong para mabigyan ito ng pagkilos. Ang siste, wala man lang palaruan sa buong republika. Wala! Sa nag-iisa pa namang bansa ng mga bata! Ang mga mamamayan ay nagkasiya na sa pagpaparoo't-parito sa mga kaparangan, pag-akyat sa mga puno sa kagubatan, o ang pagpapagulung-gulong sa mga parke. Pero isang palaruan? Wala, wala ni isa man.

Kaya nagpulong ngayon ang lahat ng mga opisyal para tuluyan nang sagutin ang hiling na ito ng bawat isa nilang nasasakupan. Nabuo na ang plano, sa totoo lang; sa pagtantiya nila, ito na marahil ang magiging pinakamalawak na palaruan sa buong mundo. Lamang ay walang mapagtayuan kung saan ito magkakasiya. Maliban na lamang sa kabilang ibayo ng malawak na Ilog ng Pangamba.

Ngayon, hindi naman sana ito problema, hindi ba? Maliban na lamang para sa mga mamamayan ng Republika. Alam kasi nila ang kasaysayan ng ilog, na malaon nang nakahabi sa kasaysayan mismo ng kanilang bansa. Hindi miminsan nang tinangay ng Ilog ng Pangamba ang mga bumangong komunidad sa mga pampang nito, bukod pa sa mga pailan-ilang mga tao, residente man o dayo, na kinitil ng mga agos nito. Ang totoo, ang ilog ang pangunahing dahilan kung bakit hindi umusad-usad ang proyekto ng palaruang ito.

Hanggang ngayon.

Taglay ang dunong ng mga matatalinong mga sakop, dinirinig ngayon ng buong pamahalaan ang mga plano para sa unang bahagi ng proyekto. Nakalkula na nila ang kailangan para makapagtayo ng tulay tungo sa kabilang ibayo ng Ilog ng Pangamba.

Nagsalita ang mga pabor, at tinuos ang gastusin, na sa kanilang pagtaya ay napakaliit kung ihahambing sa malaking pakinabang na naghihintay. Nagsalita ang mga ayaw — buweno, ang totoo ay hindi naman talaga nila ayaw, kundi wari bang higit lamang ang takot nila; nais lang nilang higit na makasiguro. Nagpaikut-ikot ang mga argumento, kahit pa lahat naman sila ay iisa ang layunin. Mabuti na lamang at nagsalita na ang Punong Ministro, at iniharap na ito sa Pangulo:

Itutuloy ang proyekto.

Sabihin pa, umugong ang palakpakan sa loob ng bulwagan. Ang mga bulung-bulungan noon sa mga kalsada ay naging maiingay at sabik na mga huntahan. Bumilis ang pulso ng Republika nang maaprubahan ang matagal na nilang hinihintay at pinananabikan.

Samantala, ang pangunahing pananagutan para mapasimulan ang proyekto ay ang isang kabataang inhinyero (oo, lahat sila ay bata, pero ang isang ito'y mas nakababatang bata). Maingat at mapanuri, nakita niya ang papel ng tulay para sa ikatatagumpay ng buong adhikaing ito ng bansa. Nang mabigyan sila ng utos para pasimulan ang trabaho, tinipon niya ang kaniyang mga kasamahan, ang ilan ay mas bata pa sa kaniya, para muling iguhit ang mga plano para sa tulay. Isang buong buwan ang ginugol nila para bumisita sa pampang ng ilog, sukatin ang bilis ng tubig, at magdisenyo ng isang matibay at malawak na tulay na magdurugtong sa magkabilang panig. Hindi pa ito nagawa noon, kaya lalo pa nga nilang kailangang magpakaingat.

Ang totoo, sa kanilang disenyo, ginawa pa man din nilang kaakit-akit ang mismong tulay. Aba, maglalagay pa man din sila ng mga pamilihan at restawran sa gilid ng malalawak nitong mga daanan, na kaparis pa man din ng Rialto ng Venezia! At ang mga pundasyon nito ay talagang magiging matitibay, at may disenyong gaya ng mga aqueduct ng Roma!

Pero matapos ang lahat ng mga bagay na ito, nang iharap nila ang plano sa mga awtoridad, nakarinig sila ng mga salitang mula sa pagtatanong hanggang sa pagkairita. Kesyo hindi umano ito ang plano, at hindi para dito nakalaan ang pera. Kesyo kailangan naman umano ng tibay, pero hindi na kailangan ang ganda. Kesyo ang tulay ay ang daan, hindi ang patutunguhan.

Palaruan. Huwag umanong kalimutan ang layunin nitong lahat. Ang palaruan.

Ipinabalik ang orihinal na disenyo ng tulay, na matibay rin naman kung tutuusin pero hindi na kakailanganin ng malaki-laking pondo at matagal-tagal na gawain. Isang buwan lang din ang kinailangan para maitatag ang tulay. Mas nasabik pa ang lahat nang makita nilang maging abala ito sa pagpapabalik-balik ng mga trabahador at mekanismo, na unti-unting binubuo ang palaruang matagal na nilang pangarap.

Samantala, ang batang inhinyero ay naging isang tampulan ng mga puna ng mga politiko. Ang mismong ministro ng kaniyang distrito ay kumausap sa mga nakatataas sa pamahalaan para unti-unting tanggalin sa kaniya ang trabaho. At hindi ito palihim; harap-harapan ang atake at pamumuna. Sa takot para sa kanilang trabaho, ang marami mula sa orihinal niyang grupo ay dumistansiya sa kaniya at nagpalipat sa ibang aspketo ng trabaho. Kung tutuusin, ang sabi nila, ang palaruan naman talaga ang dahilan ng kanilang pagsali sa malaking proyektong ito; hindi ang tulay.

At bandang huli, ang batang inhinyero at ang kaniyang mga natirang kasama ay tuluyan nang inalis sa proyekto.

Samantala, ang paggawa sa palaruan ay nagpapatuloy. Ang totoo, ang orihinal na plano, na malaki na kung tutuusin, ay napalitan din sa ilang bahagi nito upang maging mas en grande pa. Ang noon ay isang simpleng toreng akyatan patungo sa padulasan, ngayon ay isa nang kastilyong ipinareha sa Neuschwannstein ng Alemanya! Ang dating mga debuhong hayop na paglalagyan sa loob ng mga bola, ay ginawa nang mga spa, karaoke, o bowling alleys na may iba't-ibang tema! Nagpasa ng panibagong badyet ang pamahalaan nang sumunod na taon, at nang sumunod pa, at hanggang sa ikatlo at ikaapat na taon. Nabawasan man ang pondo para sa ibang bagay, pero naroon na ang buong bansa; sino ba naman ang hindi mapapahanga sa pagiging totoo ng isang bagay na dati ay pangarap lang nila?

Sa wakas, nagbukas ang mga pintuan ng palaruan sa publiko.

Sa kaniyang pahayag, ang bagong pangulo (ang dating ministro ng distrito ng inhinyero!) ay nagpasalamat sa lahat ng nagsikap para maabot nila ang kanilang pangarap. Sa araw na iyon — matapos ang mahabang panahon ng kanilang kasaysayan — nagkaroon na ng palaruan ang Republika ng Kabataan. Hindi na sila magiging katatawanan. Hindi na sila matatakot. Taglay na nila ang mga pasilidad na magpapakilala sa kanila bilang mga bata.

Sabihin pa, humugos ang mga tao (oo, ang mga mamamayang bata) sa araw na iyon ng pagbubukas. Marami ang hindi nakapasok; tumawid pa sa tulay ang pila ng mga parokyano. Tila ba mas dumami pa nang sumunod na araw. At nang sumunod. Masaya ang lahat sa naging produkto ng matagal na pagtatrabaho! Hindi magkamayaw ang dami ng tao, anupat nagpanukala pa ng batas para magkaroon ng halinhinan sa paggamit ng mga palaruan. Mabilisan pa ngang nagpakabit ng malalakas na pailaw sa buong pasilidad para mapagbigyan ang karamihan; iniurong hanggang sa ikasiyam ng gabi ang oras ng pagsasara.

Mabuti na lamang at hanggang doon na lamang. Sapagkat isang gabi, niyanig ng isang malakas na lindol ang bansa, doon pa man din mismo malapit sa palaruan. Nasira ang ilang bahagi nito, gaya ng mga patulis na bubong ng kastilyoat ang ilang mga poste ng ilaw. Pero dahil sa lakas ng lindol wari bang nailihis rin ang takbo ng Ilog ng Pangamba. Ang dating malakas na agos ay isa na lamang mababaw na batis.

Nagpasalamat ang mga tao nang makitang buo pa rin ang kanilang palaruan. Bumuhos ang mga donasyon at boluntaryo para sa pagkukumpuni. Aba, ang muling-naitayong mga bantayog ay waring mas maganda pa nga kaysa sa mga nauna bago ang lindol!

Pero dahil sa bumabaw na ilog, walang nagbigay-pansin sa istraktura ng tulay (Ang iba pa nga ay sumisingit sa pila patungo sa palaruan sa pamamagitan ng pagtawid sa ngayo'y mababaw nang ilog!). Gaya ng kanilang mga pinuno noon, ang pananaw ng mga tao ay nakapokus.

Palaruan. Hindi nila kinakalimutan ang pinakamalahaga sa lahat. Ang palaruan.

Hanggang sa isang gabi, isang malakas na bagyo ang kagyat na tumama sa Republika, dala ang napakalakas na mga ulan. Muling umapaw ang ilog, waring nabuhay, at muling tumakbo ang malakas na mga hugos sa dati nitong daanan. Tinangay nito ang tulay, na ang mga pundasyon ay pinahina ng lindol.

Paggising ng mga tao sa kinaumagahan, mas lumaki pa ang ilog sa dati nitong sukat, na nilalamon na ngayon ang dating mga pampang. Binaha ang mga sirkito ng elektrisidad ng palaruan, pero wala silang magawa.

Hanggang sa mga araw na ito, malungkot na tinatanaw ng mga mamamayan ang kanilang malaking proyekto sa kabila ng ilog. Naroon pa rin ang paghanga, pero lahat ng iyon sa mga balik-tanaw na lamang sa masayang nakaraan.

Nagpaplano naman umano ang mga awtoridad ng bagong tulay, pero hindi ito maisa-penal dahil sa patuloy na paglaki at pagkati ng Ilog ng Pangamba; talagang binago ng lindol ang mga daluyong nito. Hindi na kasama sa pagpaplano ang inhinyero (hindi na siya gayon kabata), pero sa tantiya niya, kaunti lang sana ang naging problema kung pinataas, pinatibay, at pinalapad na ang tulay gaya ng plano nila noon; o kaya naman ay kung pinatibay na ito matapos ang lindol. Sa kaniyang pagtaya, kung matapos man ang bagong tulay, huli na ang lahat para sa palaruan. Kailangan na muling magtayo ng panibago. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-82378808229156886232021-01-19T13:01:00.001+08:002021-01-19T13:01:06.336+08:00tungkol sa pagbuo ng mga bagay-bagay
Mag-lolo nga talaga sila.

Sa loob ng bahay, abalang-abala ang apo sa paggawa ng palaruan para sa kaniyang mga laruan. Ito ang ideya niya ng slide, gamit ang magnetic tiles na binili ng Mommy niya.

Samantala, sa labas, ang lolo niya ay abalang-abala sa pagliliha sa kabinet na ilalagay namin sa kusina. Tumitigil siya kapag madilim na sa labas, saka winawalisan ang sahig sa labas at pinupunasan ang mga tabla.

May kakaibang saya talaga kapag nakakabuo ka ng mga bagay-bagay. Noong bata pa ako, naaalala kong bumibili si Mama ng mga tiles na katulad ng ginagamit ni Stacie ngayon (pero hindi nga lang magnetic kundi may pangkabit na mga plastik na edges) mula sa Tupperware. Bumubuo kami ni Yeye ng mga laruan, at madalas akong gumagawa ng mga de-gulong na trak. Dahil nabanggit ang trak -- mahilig din akong bumuo ng mga landscape art (sa pananaw ko bilang bata), mga binuo mula sa mga bato at putik at madalas na may nakatanim ding mga halaman.

Pero noon pa man, si Papa na talaga ang batayan sa pagbuo at paglikha. Ang mga laruan kong espada at kris, na may kasamang kalasag, gayundin ang kabayo, at maging mga gumugulong na lata (mahilig talaga ako sa maliliit na trak) ay ilan lang sa mga gawa niya, na kakaiba at natatangi kung ihahambing sa mga kalaro ko noon na binili lang nila at gawa sa plastik. Bukod sa maliliit na laruang ito, ginawan pa nga niya kami ng aktuwal na bahay-bahayan, at maraming mga tree houses.

Sinasabi nilang ang pagiging malikhain sa gayong mga bagay ay nakakatulong para mahubog ang kakayahan ng isang bata sa buhay. Marami akong kilalang mga siyentista na nagsimulang magkainteres sa ganitong larangan sa pamamagitan ng mga pagkalikot sa mga laruan o radyo sa bahay na nasira. Tiyak na naihanda sila nito sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problema -- minsan pa nga ay sa pinakamalikhaing mga paraan. Hindi man ako ang aktuwal na gumagawa ng mga malalaking laruan at bahay-bahayan noon, gayon din ang naitanim na ideya sa akin, kaya rin siguro sa teknikal na mga larangan ako nagpunta ngayon. Mabuti na lang din at nagkakaroon ng pagkakataon ang anak ko na maranasan din ang saya ng paggawa ng kung anu-ano mula sa kaniyang kaisipan.

Sa ngayon, hindi man aktuwal na materyal na mga bagay ang binubuo ko, sa tingin ko ay nakakatulad pa rin ang mental na proseso na kinakailangan kong daanan sa paggawa ng siyentipikong pananaliksik. Madalas na hindi na pisikal na bagay ang kinakailangang buuin, kundi isang istorya, isang paliwanag, isang tagpo. Kailangan pa rin ng pagkamalikhain at aktuwal na pagtatrabaho. At siyempre, masaya pa rin kapag natapos ito.

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-72969954925029899962021-01-07T23:50:00.001+08:002021-01-14T22:44:56.270+08:00tungkol sa pagmamaneho para bumili ng pagkain nang gabing-gabi

Paisa-isa nang nagsasara ang mga pamilihan at restawran. Makikita mo ang mga huling empleyado na ikinakandado ang panlabas na halang. Ang iba ay hinihintay ng kanilang sundo, ng kanilang asawa, na nakaparada ang motorsiklo sa gilid ng kalsada.

Pero hindi pa naman talaga malalim ang gabi. Kung tutuusin, ang mga establisamiyentong ito ay bukas hanggang madaling-araw, ang iba'y hanggang magdamag pa nga. Kaya ano ang alas-diyes kung ihahambing sa dating oras ng pagsasara na iyon? Kung ang pagbabatayan ay ang mga kalagayan noon, tila ba maaga pa ang alas-diyes o alas-onse pa nga.

Pero hindi na parehas ang mga kalagayan noon at ngayon. Ngayon, ang banta ng epidemyang mabilis na kumalat ay nagpabago, nagtiwarik, wika nga, sa tibok ng pulso ng matandang Maynila. Ang dating di natutulog na lunsod ay napilitang huminto, magpahinga, at magtago. Ang di magkamayaw na buhos ng mga tao, sasakyan, at serbisyo, gaya ng mga selula ng dugo na noon ay mabilis na pumapaikot, ay bumagal, wari bang tulog, na naging dahilan ng anemia at kawalang-sigla sa buong palibot.

Mabuti na lamang at may pailan-ilang mga lugar na bukas pa rin 24 oras. At ito — ito ang pakay namin ngayong gabi.

Alam naming hindi nagsasara ang drive-thru ng McDo sa malapit. Nariyan din ang 7-11 na 24-7. Kaya naman pagkatapos ng pulong ngayong gabi, agad kaming sumakay sa kotse at tinahak ang tahimik na mga daang pababa tungo sa bayan. Habang daan, mga sasakyang paakyat sa aming lugar ang nasasalubong namin, lulan marahil ang pagod na mga manggagawa mula sa nagsipagsara nang mga tanggapan at pamilihan. Habang kami, hayun! Umaawit sa sasakyan habang tinutunton ang ngayo'y matahimik nang mga lansangan ng kabihasnan.

Pagsapit sa destinasyon, inabutan namin ang pila ng mga sasakyan sa pag-order sa drive thru. Matapos maghintay ng ilang saglit, napatapat na rin kami sa window ng pagkuha ng pagkain; at doon, kitang kita namin ang mga kawani ng McDo na bagong pasok, masiglang ginagawang umaga ang gabi para maserbisyuhan ang marami nilang parokyano.

Sa pagparada naman namin sa tabi para bumili ng ilang pangangailangan, matagal din naming hinintay si Steph na makabalik sa kotse para bumili sa 7-11. Mula sa labas, nakikita naming marami ring tao na dumadaan para bumili nang paisa-isang mga bagay mula sa tanging bukas na tindahang iyon.

Hindi naman namin laging ginagawa ito (bilang pag-iingat na rin sa kalusugan). Pero nang gabing iyon, personal kong naramdaman ang pangangailangang magmaneho para bumili ng pagkain, kahit pa gabing-gabi.

Siguro, binawasan nito ang pangungulila sa nagdaang mga panahon, nang maituturing pang normal ang mga bagay-bagay. Gaya ng anemic na lunsod, ang pananatili sa bahay ay unti-unti ring nagpapabagal, nagpapawala ng gana, sa akin. Sa amin. Siguro, kinailangan namin ang biyaheng ito para maging malinaw sa amin na nagpapatuloy pa rin ang buhay kahit sa gitna ng malalaking pagbabago sa mga kalagayan.

Gabing-gabi na kami umuwi (siyempre pa), bagamat hindi naman halos lumampas ng isang oras ang mga ginawa namin. Umaawit pa rin kami sa kotse kahit malapit nang maghating-gabi. Noon, ang ganitong mga biyahe (lalo na sa akin, habang pauwi sa trabaho) ay nakakabagot at nakakaantok. Pero ngayon, hindi, hindi pa kami makatulog. Dahil na rin siguro sa french fries at Coke.

Pero mas malaking bahagi siguro ang muling pagkadama ng kalayaan at normalidad matapos ang matagal na animo'y pagkakulong. Totoo, mabibilang sa daliri ang mga negosyong bukas, at dalawa nga lang ang pinuntahan namin; pero isa ito sa pinakamasayang paglalakbay namin nitong kamakailan. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-7532507522646209252021-01-06T15:10:00.001+08:002021-01-06T15:10:23.119+08:00tungkol sa mga tagpo mula sa kabundukan
Ngayon ko lang napagtanto na halos buong buhay ko pala ay nakatira ako sa kabundukan. Lumaki ako sa mabundok na Antipolo, na kilalang puntahan ng mga turista para sa “overlooking”, ang magandang tanawin ng mga gusali ng Metro Manila (medyo malayo kami at mas mababa ang lokasyon sa dakong ito, pero nasa kabundukan pa rin kami at may gayong mga tanawin pa rin sa ilang bahagi ng paglalakbay patungo sa lugar namin). Pumapasok ako noon sa mga paaralan sa Marikina, ang lambak na nasa katabing bayan, kaya naging pangkaraniwan na ang paakyat na mga kalsada at bangin pauwi sakay ng jeep. At hindi na naging kamangha-mangha sa paningin ang matatayog na gusali, na mailaw sa gabi.

Ang mga gusali ng Maynila mula sa kabundukan ng Antipolo.

Noong pansamantala akong tumira sa Dresden, saka ko hinanap ang mga magagandang tanawin mula sa itaas ng mga kabundukan. Hindi miminsang nilalakbay ko ang mga kabundukan ng Elbe Sandstone Mountains patungo sa Bastei, isang sinaunang bastion sa itaas ng mga mabundok na kagubatan. Pero kakaibang mga tagpo ang nakikita roon kung ikukumpara sa mga nakikita ko noong kabataan ko. Kapalit ng mga bahay at matatayog na gusali, puno iyon ng mga puno at kabundukan. Sa halip na mga kalsada, mga ilog na lumiliku-liko sa paligid ng mga bundok. Maging sa isipan, magkaibang mga tunog ang naguguni-guni ko sa pagmamasid sa mga tagpong iyon; kung ang sa una ay maingay na mga busina ng nagmamadaling kabihasnan, ngayon nama'y tahimik na mga huni ng kalikasan.

Mga tagpo mula sa Bastei: kitang-kita ang Ilog Elbe at ang mga kagubatan sa paligid.
At ang mahabang tren patungo sa Czechia.

Ngayon ay nakatira naman kami sa San Mateo, na gaya ng Antipolo ay isa ring kabundukan. Ang sumusunod ay kuha mula sa playground sa aming subdibisyon; kitang kita hindi lang ang mababang mga lugar ng hilagang Metro Manila sa malayo, kundi maging ang mga kabahayan mula sa ibang mga bundok sa malapit. Noong unang pagpapasimula ng taon nang bumalik kami mula sa Alemanya, natanaw namin sa aming bintana ang makukulay na mga paputok na galing sa mga lugar na iyon sa malayo (at malapit).

Mga kabahayang tanaw mula sa aming lugar.

Maganda rin naman ang tanawin mula sa mas mababang mga lugar, maging sa lunsod man sa Maynila o sa baybayin ng Ilog Elbe. Pero ang pag-akyat sa mataas na lugar ay kasiya-siya dahil nagbibigay ito ng buo at malawak na larawan.

Hindi nga kataka-taka na ang salitang Filipino na “pananaw” (na katumbas ng Ingles na “point of view”) ay hindi lang basta tumutukoy na aktuwal na natatanaw, o nakikita, ng isang tao, kundi ang kaniyang pagkaalam at paniniwala tungkol sa mga bagay-bagay. Pero gaya rin ng literal na pananaw, maaaring maging limitado ito kung hindi nakikita ang buong larawan ng mga bagay-bagay.

Kailangan ang isang malawak na pananaw hindi lang para makapagpasiya nang tama kundi para maging kontento rin at maligaya.

At siyempre pa, masaya rin at nakakarelaks ang literal na pagtanaw sa isang malawak na tagpo mula sa isang mas mataas na dako, malayo mula sa mga tunog at aktibidad mula sa ibaba.

Nakatira pa rin ako sa kabundukan, at, bagamat hindi madaling lumabas ngayon sa mga tahanan, paminsan-minsan ay tumatanaw pa rin ako mula sa bintana para malasin ang mga puno at ilaw sa ibaba. Hindi na gaya noon, talagang pinapahalagahan ko na ang ganda ng mga tanawin ng lunsod, lalo pa ang mga ilaw nito sa gabi. ■
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-79912716193602447812020-05-01T18:01:00.001+08:002020-05-01T18:03:31.774+08:00tungkol sa di pa naitutuloy na konstruksiyon

Para maiba naman, sinubukan naming lumabas ng bahay patungo sa mga itinatayong bloke ng mga bahay sa tapat namin. Hindi naman kasi gayon ka istrikto, basta nasa loob lang ng subdibisyon namin. Ang totoo, mga parang at damuhan ang nasa harapan namin kung saan itinatayo ang mga bagong bahay, at wala naman talaga kaming makakahalubilong mga tao.

Lalo pa’t mahigit isang buwan na mula ngayon nang tumigil ang mga nagtatrabaho sa konstruksiyon. Kitang-kita ang mga bakas na iniwan nila ang kawalang-kasiguraduhan ng kanilang pag-alis. Nariyan ang mga scaffolding na hindi man lamang naisalansan. Mga hinukay na pundasyon, na unti-unti nang muling natatabunan ng nagdaang mga pag-ulan. May naiwan pa ngang bareta at martilyong walang hawakan, maliban pa sa nagkalat na mga alambre at pinutol na mga bakal.

Gaya ng marami, ang mga trabahador na ito ay hindi rin naging handa sa biglaang pagdedeklara ng quarantine sa buong pulo. Marami sa mga nagtrabaho rito ay hindi na nakabalik; mabuti na lamang at karamihan sa kanila ay sa malapit lang nakatira at hindi naipit; kahit papaano ay kasama nila ngayon ang pamilya nila.

Takot sila ngayon, takot sa di-nakikitang sakit na mabilis na nakamamatay. Pero sa pagdaan ng mga araw, mas takot na sila sa banta ng gutom, habang unti-unting nasasaid ang laman ng bulsa at ng bigasan sa bahay. Sa kabila nito, nariyan din ang takot na mabansagang “pasaway” at maikulong dahil sa pagdiskarte sa labas.

Ang totoo, mas nag-aalala pa ngayon ang mga trabahador na ito sa di-pa-naitutuloy na konstruksiyon kaysa sa mismong may-ari ng mga bahay na ginagawa nila. Mas nasasabik na silang muling sumabak sa gawain, hindi lang para matapos na ang mga itinatayong bahay kundi para matapos na ang pag-aalala at kawalang-kasiguraduhan para sa kanilang mga sarili at mga pamilya.

Mapapansin na kinalawang ang mga nakahantad na mga bakal; umulan kasi nitong nakaraang mga linggo. Tumagilid ang ilan sa mga ito, dahil na rin siguro sa sarili nitong bigat habang naghihintay ng buhos ng semento. Samantala, inanod naman ang mga buhangin, at nagkalat na ang dating bunton ng mga graba.

Ang tahimik na mga istruktura ay larawan ng mga nasayang na pagkakataon, mga pagsulong na biglang itinigil ng pandaigdig na salot. Ang totoo, ipinaaalala sa akin ng mga hubad na mga hollow blocks at kinakalawang na mga poste ang kalagayan ng daigdig sa ngayon. Ang mabilis na takbo ng buhay ay kagyat na huminto, habang ang buong mundo ay dahan-dahan pang umaalinsabay sa mabilisang mga pagbabago sa laban sa di-nakikitang kaaway. Ang tahimik na mga istraktura ay lumalarawan sa lahat -- mga negosyo, paaralan, grupong panlipunan at relihiyon, at maging ng mga pamilya sa loob ng mga tahanan -- na tahimik na nag-aabang sa muling pagbabalik sa normal ng mga kalagayan.

Samantala, muling inaangkin ng kalikasan ang dati nitong teritoryo. Ang mga kalsada sa pagitan ng mga row houses na hinawan ay muling ginagapangan ng mga damo at mga ligaw na baging. Sa nagdaang pag-ulan, may ilang mga munting usbong -- marahil ay mula sa mga buto ng mga halaman at gulay na inihagis ng mga manggagawa -- na lumilitaw at lumalaki. Ang maiingay na mga ibon ay naglalaro at nagpapahingalay sa mga di-pa-tapos na pader at mga nakausling mga bakal.

Sumilip ako sa dako pa roon, malayo sa mga parang sa subdibisyon namin patungo sa mga lunsod sa ibaba. Totoo naman; ang pagsasara ng pasilidad at pagbabawal sa paglalakbay ay muling nagpalinis sa hangin, anupat malinaw kong nakikita ang mga bahay at gusali sa Kamaynilaan. Tunay nga, ang kagyat na paghinto ng nakasanayang kalakarang panlipunan ay nagbigay-daan naman para ang kalikasan ay, sa diwa, makahinga.

May agam-agam din sa isip ko, at pagtanaw sa panahon kung kailan makababalik na ang lahat sa nakasanayan. Pero gaya ng mga tagpo dito sa di pa naitutuloy na mga pagtatayo sa harap ng bahay namin, hahayaan ko na lang marahil na ang biglaang paghinto ng buhay ay magbigay-daan upang makapagpahinga. Ang katawan. Ang isip. Ang diwa.

Alam na alam ko, kapag nakabalik na ang lahat sa dating gawi, hahanap-hanapin ko ang mga pagkakataong gaya nito. Oo, mga pagkakataon na nagagawa ko pa kahit ang simpleng pagninilay-nilay tungkol sa mga di-tapos na konstruksiyon sa harap ng bahay. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-41237359184664555662020-04-14T22:49:00.001+08:002020-04-14T22:49:19.211+08:00tungkol sa katahimikang dala ng kuwarantenas

Lalo pang naging kakila-kilabot ang madilim na mga kalyeng paliku-liko sa mga kakahuyan na bumabagtas sa mga kabundukang pauwi sa amin. Nakadagdag sa lagim ang nakabibinging katahimikan. Ni walang kaluskos ng tsinelas o arangkada ng makina na pumapailanlang; aba, kahit ang mga balang at kuliglig ay walang huni! Gaya ng mga eksena sa mga thriller na pelikula, wari bang anumang sandali ay may hahablot sa iyo patungo sa kapahamakan.

Naihatid ko na ang ilang pangangailangan ng kapatid ko. Walang checkpoint ng militar o barangay sa mga kalsada sa pagitan ng mga bahay namin, kaya malaya akong nakalabas kahit tapos na ang curfew. Naka-kuwaratenas ngayon ang lahat, pinuwersa ng pamahalaan na manatili sa mga bahay para hindi mahawa at makahawa ng sakit na Covid-19. Kaya naman anumang bakas ng mga tao at transaksiyon ay matagal nang napawi; hayun, ako at ang kotse ko ang tanging naiwan sa kanto.

Siyempre pa, hindi naman talaga mapapawi ang ingay at gulo; kadikit na yata ito ng lipunan ng tao. Nailipat lang ang lunan, kung tutuusin. Ang mga rally at demonstrasyon na noon ay ginagawa sa lansangan ay mas hayag na ngayon sa malalawak na mga liwasan ng internet, habang ang mga tao, marami ay hindi naman magkakilala at ni minsa'y di pa nagtagpo, ay nagtatagisan ng talas ng pananalita sa social media. Nariyan ang mga galit, ang lakas ng "boses" ay mawawari mo pa sa malalaking mga letra. Nariyan din ang mga palaban mula sa kabilang panig, na, kapag binato ng bato, wika nga, ay hahanap ng, hindi tinapay, kundi mas malaki at mas maraming mga ibabato pabalik. Siyempre, nariyan din ang mga boses ng pagtulong at pagkakawanggawa, na mabuti na lang at nakakahawa at nakakadala rin sa iba.

Papasok na sana ako ng bahay pero nahila ako ng gayong mga "ingay" mula sa mga nababasa ko sa cellphone. Napatigil ako sandali, nakaupo pa rin sa driver's seat, habang dahan-dahang nag-scroll ng mga balita at impormasyon. At gaya ng isang aktuwal na demonstrasyon, nakaaapekto rin ang gayong mga ingay sa internet. Inaagaw nito ang kapayapaan ng isip kuyng minsan.

Mabuti na lang at lumabas na ako. Doon, nahagip ng aking noo ang malamig na ihip ng mahinang hanging Abril. Tumingala ako, at hayun! Buong-buo pa ang kabilugan ng buwan at ang liwanag ng mga butuin na waring mas dumami ngayon nabawasan ang polusyon sa hangin.

Muli kong minasdan ang walang-lamang mga kalye. Hindi, hindi na takot at tensiyon ang dala nito. Sa loob ng matagal na panahon, ngayon ko lang muli naranasan ang tunay na kapayapaan mula sa pamilyar na kapaligiran. ⬛

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-49490806695204478162020-02-03T13:47:00.000+08:002020-02-03T14:58:29.643+08:00tungkol sa pagbibiyahe sa Maynila

Ang Maynila ang pinakamatandang lungsod sa kabisera. Kaya napakaliit na ng pagkakataon para paluwagin ang mga lansangan o baguhin ang mga bloke nito. Dumating na ito sa punto na hindi na nito masasabayan kailanman ang paglago ng bilang ng mga sasakyan sa pagdaan ng panahon.

At ito rin ang nasa pinaka-kanluran. Na pinakamalayo sa isang taong tulad ko na nakatira sa silangan (kakatuwa, ang mismong pangalan ng aming barangay ay: Silangan).

Ano, at saan? Lakad? Pribadong sasakyan? Tren? Motor o van?

Ang totoo, walang iisang solusyon sa napakasalimuot na problema ng transportasyon sa Maynila. Kadalasan nang nasusumpungan ng mga namamahala ang kanilang sarili na pinaghuhugpung-hugpong ang maliliit na mga pamamaraan, umaasang magdudulot ng pangmalakihang kaginhawahan. Pero madalas na hindi rin naman nagtatagal ang mga bunga nito, kung mayroon man.

Kaya gayon din ang istorya ng pagbibiyahe ko patungong Maynila araw-araw. Nariyang pagsama-samahin ang magkakaibang mga pamamaraan. Una, magmaneho mula sa bahay at pumarada kung saan. Pagkatapos, magmotor patungo sa sakayan ng tren. Sunod, mag-tren. At pagkatapos pa, mag-jeep. Ang totoo, madalas na iba pa ang proseso sa aking pag-uwi, depende sa araw at oras.

Ang pagbibiyahe sa Maynila ay larawan ng buhay, sa pangkalahatan. Sa patuloy na paglago ng isang tao sa lahat ng aspekto, may mga bagay na hindi nalilinang ayon sa kagustuhan niya, pero hindi na iyon magbabago. Gaya ng mga likaw ng mga kalsadang bumabagtas sa matandang lungsod, ang mga landasin mula sa nagdaang mga panahon ay posibleng magdulot ng mahirap na mga kalagayan sa "paglalakbay" sa kasalukuyan.

Pero hindi na magbabago ang mga iyon. Sa kabilang banda, hindi naman humihinto ang buhay. Kaya ang gayong mga bagay ay hindi na dapat pagsisihan o pagsikapang balikan para mabago. Bahagi na ito ng pagkatao ng isa, na nagpapaging-ganap sa kaniyang pagkakakilanlan.

Diskarte lang. Paunti-unting usad, ika nga. Malayo man ang “destinasyon” at mahirap ang “daan”, nasa tao naman mismo ang “sasakyan” at “paraan” sa paglalakbay. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-36294302746547056192019-12-26T04:12:00.002+08:002019-12-26T04:12:40.891+08:00tungkol sa mga panaginip ng anak ko

Tumagi-tagilid siya at tumiwarik. Pero hindi pa siya dumidilat. Ayaw pa niyang gumising.

Madaling-araw na rin kasi bago matulog itong bulinggit ko. Madalas na dahil sa paghihintay sa akin, kaya silang dalawa ng Mommy niya ay nagsasakripisyong manatiling gising kahit alas-onse na ng gabi. Pero sa bata, hindi naman talaga ito sakripisyo; kapag mas late matulog, mas matagal pa siyang maglalaro! Aabutan ko na lang siya na “pinapakain” at “pinapatulog” ang kaniyang mga manika.

Pero kapag malikot na siya sa umaga, alam mo na. Nag-aagaw na ang diwa niyang gusto nang bumangon at ang katawan niyang ayaw pa. Diyan siya pinakamalikot.

Pero ngayon, hindi lang ang katawan niya ang malikot. Pati pala ang isipan.

Nakapikit pa siya nang bumulalas: “Nasira siya!”

At dahil halos gising na rin ang diwa ko noon, tinanong ko siya. “Ano yung nasira?”

“Si Spiderman,” tugon niya, ngayon ay nanlalaki na ang mga mata sa pagkasabik. “Nasira si Spiderman kasi na-i-spray-an siya ng bad spray.”

“Sino nag-spray sa kanya ng bad spray?” tanong ko, waring mas nasasabik pa kaysa sa kaniya. “Yung baby na super baby. Yung lumilipad.”

Ah, ang mga panaginip. Ang sabi nila, sa mga panaginip mo daw makikita kung paano maglikot ang utak, sa literal at makasagisag na diwa. Sa yugto ng pananaginip, abalang-abala ang utak sa pagpapadala ng mga elektrikal na mensahe sa iba't-ibang bahagi nito, na nagbibigay-daan sa mga makukulay (minsan ay literal din) na larawang nabubuo sa ating isipan. Napapanaginipan ng mga adulto ang isang bagay sa nakaraan, ang kanilang ginawa kahapon, o baka ang isang bagay na ninanasa nila.

Pero ang isang tatlong-taong gulang na bata? Heto. Mga lumilipad na super baby at nasisirang Spiderman.

Naglilikot pa rin, dinagdagan niya ang detalye ng kaniyang mga kathang-isip sa gabi. “Yung super baby lumilipad siya, may panyo siya sa likod.” Oo, sa paglalaro namin, kapag may panyo na siya sa likod, siya na si Super Bebelove. “Pero yung mga may kailangan sa kaniya, wala silang panyo sa likod. Pero nakakalipad sila kasi may power sila.”

Kung ang ibang magulang ay matatawa na siguro sa pagkakataong iyon, ako naman ay namangha. Ang mga larawang nabubuo sa isipan sa panaginip ng anak ko ay salamin ng kaniyang kaalaman at kaunawaan sa mundo. Sa mata ng isipan ng bata, ang paglipad ay nakabatay sa pagkakaroon ng kapa; sa pananaw ng bata, nagiging imposible lang ito kapag wala kang panyo sa likod.

Baka nga ganun talaga. Mas simple ang mundo sa pananaw ng mga bata. Nakakamiss din na balikan ang mga panahon kung kailan ang mga bagay na itinuturing natin ngayong imposible ay buong-tiwala nating pinanghahawakan -- kaya at posible! -- noong hindi pa tayo sinusugatan ng mundo. Para sa anak ko, ang paglipad ay kasing-simple lang ng paglalagay ng panyo sa likod; dahil, di tulad ko, hindi pa siya ibinabagsak ng mundo.

Sa pagmumuni-muni ko, hindi ko napansin na nakatulog na naman pala siya.

Mukhang seryoso ang mukha niya, mukhang nananaginip na naman ulit.

Niyakap ko siya at binalot ng kumot ang mga paa niyang giniginaw na sa aircon.

Sinuklian niya ako ng isang matamis na ngiti. Siguro, kasama ako sa panaginip niya. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-68475614349272206912019-12-17T10:43:00.001+08:002019-12-17T10:43:26.364+08:00tungkol sa walang-lamang mga pasilyo

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, pero nandito pa rin siya. Hindi na niya napapansin ang mga bugso ng mga nagsisilabas na mga estudyante at guro dahil sa pag-aalala sa susunod pang gawain. Hindi pa tapos ang araw niya. May naghihintay pa sa kaniya hanggang gabi.

Nagkataon namang sa gusaling La Salle nakadestino ang kaniyang mga babantayang mga pagsusulit. Ang bulwagang ito ang pinakamatanda sa kampus, na binuo bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagamat may mga makabagong mga pasilidad at kagamitan (gaya ng mga projector at dala-dalawang aircon units sa bawat kuwarto), makikita mong matanda na talaga ang gusali, lalo pa’t maging ang panlabas na mga dibuho nito ay hango sa neo-klasikal na mga arkitektural na disenyo.

Lalo pang nahahalata ang katandaan ngayong takipsilim at halos wala nang tao. Itong mga ganitong eksena ang kadalasan nang nakikita sa mga pelikulang horror o thriller. Nabanggit kanina ang digmaan: bahagi ng kasaysayan ng gusaling ito ang marahas na pagpaslang sa mga opisyal ng paaralan na ginawa ng mga Hapones noong giyera. Para sa marami, nakakadagdag pa nga ito ng paninindig ng balahibo kapag ganitong oras at sa ganitong kalagayan.

Hayun. Mag-isa siya ngayon sa walang-lamang mga pasilyong ito.

Pero hindi siya takot. Ang totoo, hindi naman siya naniniwala sa mga kababalaghan kaya hindi naman siya apektado ng mga patay. Sigurado din naman siyang wala siyang katatakutang mga buhay, dahil mahigpit naman ang seguridad ng kampus. At sa pagkakaalam niya, wala (pa?) namang estudyanteng naghahangad na mapatay siya.

Ang totoo, ang tahimik na ganda ng mga lumang pasilyo ang gumising sa kanya mula sa kaniyang kalagayan. Wala ngang espiritung gumagala, pero daig pa niya ang isang walang-buhay na kinapal sa pagpaparoo’t parito nang halos hindi na naiisip ang kaniyang mga pinupuntahan dahil sa sobrang pagkaabala. Wala nang aktibidad sa mga lumang pasilyo ng La Salle, pero daig pa ng isipan niya ang maingay at siksikang trapiko sa Taft Avenue sa labas dahil sa dami ng gawaing nagsisiksikan.

Napahinto siya para kunan ng larawan ang eksenang iyon. Napamulat siya, nabuhay nang sandali mula sa kaniyang mala-robot na buhay.

Sinipat niya ang mga arko at mga disenyong Ionian ng mga poste at biga. Ang hanay ng mga kuwarto, ang pagkakasalansan maging ng mga basurahan, ang ayos ng mga tisa. Habang sinisipat ng mga sinag ng papalubog na araw ang mga hubad na pasilyo, nakadama siya ng panloob na katahimikan, at, kakaiba mang pakinggan, kalayaan.

Nabuhay kaya sa isipan niya ang mga istoryang naipon ng mga silid at balkonahe sa loob ng mga taong lumipas? Nakalimutan kaya niya sandali ang pagkaabala ng buhay ngayon, at wari bang naglakbay sa nakaraan? Marahil; ang totoo, maging siya mismo ay hindi sigurado kung ano ba ang dahilan.

Basta, tangan ang mga papel mula sa nakaraang exam, napangiti siya habang binabaybay ang daang papunta sa mga hagdanan. May dalang ritmo ang tunog ng kaniyang mga sapatos sa kaniyang paghakbang.

“Next one.” Oo, hindi pa tapos ang araw niya, pero handa na siya sa mga susunod na kaganapan. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-83326760394447038742019-08-03T20:08:00.000+08:002019-08-03T20:08:33.767+08:00tungkol sa Maynila

Ang matandang kabiserang lunsod, waring gaya rin ng isang tao, ay naghihingalo sa mga sakit na dulot ng katandaan at matagal na kapabayaan.

Pero may ganda ang Maynila, isang kariktang hindi maikakaila. Gaya rin sa isang matandang babae, na sa kabila ng mga kulubot ay mababakas pa rin ang kagandahang namalas noong kaniyang kabataan. Sa bahaging ito ng Asya nagsanib ang mga impluwensiyang kultural mula sa mga Kastila, Amerikano, Tsino, Pilipino, at iba pa. Bagamat natabunan na ng mga istrakturang moderno, o kaya nama'y impormal, mababakas ang angking karilagan ng Maynila kapag sinisid ang pusod ng kagubatan ng siyudad. Noong kaniyang kabataan, tiyak na maihahanay ang lunsod ng Maynila sa baybayin ng Pasig sa iba pang mga dakilang lunsod sa tabi ng kani-kanilang mga ilog.

Ano ang nangyari? Kapabayaan. Sanay na yata tayo na mapag-iwanan ng pamana, pero hindi ito maingatan.

Samantala, sa nakalipas na mga buwan, may bagong sigla na biglang naramdaman sa lunsod, isang puwersang matagal nang inakalang patay ng mga tao, kahit pa ang mga pinaka-optimistiko. Hayun, nararamdaman ito sa bawat nalilinis na kalsada o baybaying-dagat, sa bawat nalilinis na monumento at parke, sa bawat ginigibang istraktura at nagpupulong na mga tao sa barangay.

Dito na siguro nagtatapos ang pagkakatulad ng Maynila sa isang nakatatandang tao. Dahil habang ang isang tao ay hindi malalabanan ang epekto ng mga taon, ang isang siyudad ay pwedeng magpanibagong-buhay. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-71558135541160874682019-07-14T06:29:00.000+08:002019-07-14T06:29:54.799+08:00tungkol sa pagkamiss sa Jollibee

Noong bata pa ako, ang bawat selebrasyon ay may kaakibat na pagbisita sa mga fast food para sa burger, fries, spaghetti, o ice cream. Noon, pinakasikat pa rin ang McDonalds, kasi, siyempre, bilang mga Pinoy, mas sikat pa rin sa atin ang produktong mula sa ibang bansa. Malapit sa aming eskuwelahan, meron ding Cindy's (na wala na yata ngayon), na pinupuntahan dahil sa palaruang pambata. May Wendy's na rin, at Kentucky Fried Chicken (oo, ginagamit pa nila noon ang buong pangalan at hindi lang ang acronym).

Pero iba pa rin ang Jollibee.

Hindi ko alam kung ano, pero kapag bata ang tinanong mo, Jollibee ang una niyang isasagot na gusto niyang puntahan. Iyon kaya ang kakaibang paggulong nito sa dila, na mas madali at masarap sabihin kaysa sa tunog-mekanikal na pangalan ng mga kakompitensiya niya? O baka ang mga awitin at TV commercials, na kasama pa si Aga Muhlach at Donna Cruz? Mas cute ba ang mascot na pulang bubuyog kaysa sa payaso? Anuman ang mga ito, bilang mga bata, Jollibee ang request namin kina Papa at Mama pagkatapos ng recognition program o party.

Noong panahong iyon, ang pagbisita sa Jollibee ay madalang at, gaya ng sinabi ko kanina, ay kadalasan nang nauugnay sa isang espesyal na okasyon.

Kaya napakaespesyal ng tingin ko noon sa Jollibee. Ito ang may pinakamasarap na pagkain sa lahat. Lalo na ang Chickenjoy, at ang malutong nitong balat kasama ng kaning may gravy.

Dumating ang panahon na ang Jollibee na ang nanguna sa kompetisyon. Nagtagumpay ito sa hamon ng iba pang mga kainan na sunud-sunod na nagsulputan.

Nag-diversify pa nga ang kompanyang nagmamay-ari rito at nagkaroon ng iba pang mga uri ng mga restaurant para sa ibang market: Chinese food sa pamamagitan ng Chowking; Italian food at pizza sa Greenwich; maging French breakfasts sa French Baker.

Samantala, ang pangunahin nitong produkto, ang Jollibee, ay nagkaroon ng presensiya sa ilang mga bansa sa Asya at Amerika.

Naabutan ko ang mga pagbabagong ito noong nasa kolehiyo ako. Sabihin pa, dahil sa kompetisyon, nanatiling mababa ang presyo ng regular na mga pagkain sa Jollibee. Kaya naman, ang Jollibee ang naging pangkaraniwang puntahan para makatipid.

Nawala na ang hiwaga ng burger at Chickenjoy dahil naging pangkaraniwan na lang ang mga ito. Hindi na siya naiugnay sa mga espesyal na okasyon; pwede na siyang maging pang-araw-araw.

Samantala, ang mga bagong nagsulputang mga pagpipilian ang siyang tumangay sa hiwaga at pagka-espesyal.

Dumating ang panahon na lumaki pa lalo ang agwat ng Jollibee bilang negosyo laban sa mga kakompitensiya nito.

Naging pangkaraniwan na rin ang mga branches sa ibang bansa. Na-feature pa nga sa isang sikat na food show ang Jollibee sa Amerika at ang mga pagkain nito.

Umabot na nga sa punto na ang kompanya ng Jollibee na ngayon ang bumibili sa mga (papaluging) mga restaurant chains sa ibang bansa.

Nasa postdoc ako noon sa malamig na Dresden sa Alemanya. Sa isang pagkakataon, sa pagbukas ng Facebook, nakita ko ang paskil ng isang pamilya ng kaibigan na nagsasalu-salo sa isang bucket ng Chickenjoy.

Siguro ay dala na rin ng gutom at/o pangungulila, biglang bumalik sa isip ko ang naging-pangkaraniwan-na noong mga pagkain sa Jollibee. Biglang-bigla, ang Yum Burger at ang sauce nito ay naging nakapaglalaway. Biglang-bigla, ang Chickenjoy at ang gravy nito ay naging nakakaiyak dahil sa pagkamiss.

Umabot pa nga sa punto na, isang hapon, nagtungo ako sa kaisa-isa noong KFC sa Dresden para lang makakain ng chicken at gravy sa fastfood, para maalala ko man lang sa panlasa ko ang mga pagkain sa Jollibee. Akalain mo ba namang noong araw na iyon mismo siya nagsara. Nadepress talaga yata ako, at bumisita kay Grace sa Berlin para sa KFC at kwentong Jollibee.

Ngayon, pinapangatawanan na ng Jollibee ang pagiging sulit nito. Kitang-kita ito sa mga commercial. Hindi na basta pambata, kundi para sa isang pangkaraniwang empleyado na gustong makatipid.

At dapat naman. Ang istratehiya niyang ito ang nagpanatili sa kaniyang matatag kahit pa sa gitna ng magulo at mabuway na mundo ng negosyo.

Ngayong nagsasaliksik na ako sa econophysics, ang stock prices time series ng Jolibee Foods Corporation (JFC) ay lagi naming napagtutuunan ng pantanging pansin, dahil patuloy ito sa pag-akyat.

Nasa Pilipinas na akong muli, at ang Jollibee ay muli na namang naging pangkaraniwan at available.

Pero hindi ko na ito ipinagwawalang-bahala. Ang pangkaraniwan at mura ay mayroon pa rin namang sarap at pang-akit, isa na mamimiss ko kapag matagal ko ring hindi natikman.

Isa pa, naipasa ko na ang pananabik sa susunod na henerasyon.

Sana, tulad ko, bandang huli ay mapagtanto niya na hindi lahat ng bagay na pangkaraniwan at laging nariyan ay hindi mahalaga. Sana ay maging pasiya niya na pahalagahan na agad ang Jollibee, mamiss man niya ito o hindi. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-43558610566215008522019-06-15T10:13:00.000+08:002019-06-15T10:13:31.650+08:00tungkol sa abot-tanaw

Marami ang nangangarap ng isang bakasyon na kung saan, habang nakaupo sa dalampasigan, nakatanaw sila sa tuwid na abot-tanaw (horizon) kung saan nagtatagpo ang magkaibang bughaw ng langit at ng dagat. Ito ang sukdulang paglalarawan ng pagrerelaks, ng pagpapahinga, ng pagtakas mula sa mga pang-araw-araw na kaabalahan ng buhay.

Kasi, marami ang araw-araw na humaharap sa isang bali-balikong abot-tanaw, kung saan ang matataas na salamin at kongkreto ay tumutusok sa langit.

Pero kung nasaan man tayo: sa isang malaparaisong isla o sa gitna ng kagubatan ng lunsod, lagi nating tandaan kung ano ang pinakamahalaga. Hanggat may lupang tuntungan ang ating mga paa. Hanggat may langit na lumulukob sa ating mga ulo. Hanggat may kakayahan tayong malasin at pahalagahan ang natatanaw natin sa malayo.

Okay tayo.

Doon pa lang, marami na tayong dapat ikatuwa at ipagpasalamat. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-86876327639985721282019-05-17T11:50:00.000+08:002019-05-17T11:52:24.969+08:00tungkol sa mga bato sa tabing-dagat

Sa pamamasyal namin sa Agno, Pangasinan, naglakad-lakad ako sa tabi ng maalong dagat.

Tumambad sa akin ang isang bahagi ng dalampasigan na punung-puno ng mga bato. Mga pebbles yata ang tawag dito sa Ingles. Ang mga bato, na mula sa pagkaliliit hanggang sa ilang mga sentimetro ang haba, ay makikinis, makukulay, at may iba't-ibang hugis. Sa sobrang ganda nila, ang mag-ina ko ay namulot at nag-uwi ng isang balde nila.

Lumusong ako ngayon sa maalong dagat.

Sa gitna ng daluyong, may isang rehiyon kung saan mabato ang naaapakan ko. Dito umaalimbukay ang paparating at ang papalayong mga alon. Gamit ang goggles, sinisid ko ang ilalim, at hayun! Doon pala sila makikita. Ang mga bato, mga pebble, di hamak na mas marami kaysa sa mga napadpad sa pampang. Sa bawat pagsalunga, sila ay natatangay at inihahampas ng alon pababa. Sa bawat araw, hindi humihinto ang mga alon sa paghataw sa kanila, anupat kumikiskis sila sa bawat isa. Kaya pala sila makikinis. Kaya pala sila magaganda.

Sa pag-uwi, habang nagmamaneho ay napag-isipan ko ang halimbawang ito.

Tayong lahat ay mga pebble, mabibigat na mga batong araw-araw na ipinaghahampasan magkabi-kabila ng mga hamon at pagsubok ng buhay. Ang mga daluyong na ito, gaya rin ng literal na alon, ay kaya tayong dalhin paitaas para lamang muling ibagsak sa lupa.

Pero ang mga puwersang ito rin ang humuhubog sa atin. Pinalalabas nito ang pinakamagaganda nating kulay at pinalilitaw ang pinakamahuhusay nating katangian.

Kaya, tamang-tama, pagkatapos ng mahabang bakasyon, pinaalalahanan ko ang sarili ko.

Salungain ang malalaking mga alon ng buhay sa araw-araw. Ituring ang mga pagsubok na mga pagkakataon para maging mas mabuting bersiyon ng sarili. ●

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-19778705388328982862019-05-06T10:36:00.004+08:002019-05-06T10:38:16.679+08:00tungkol sa kawayan at sa niyog

Dumaan na sila sa ilang maraming mga tag-init at mabagyong panahon nang magkasama. Magkababata sila halos; nauna lang siguro nang ilang taon ang Niyog. Pero mas matangkad at payat na si Kawayan noong bagong tanim pa lang siya, di tulad ni Niyog na medyo mabilog nang umpisa at dahan-dahan na lang nagkalaman nang bandang huli.

Si Niyog ay tumayog nang tumayog; sa paglaki niya ay napagtiisan niya ang pagsibak ng kanilang May-ari sa kaniyang mga tagiliran para gumawa ng akyatan. Makailang ulit na rin siyang nagbunga, na madalas din namang pinipitas ng may-ari. Ibang istorya pa ang tuba. Si Kawayan naman, lumago na ang mga bagong sibol, na pumalibot na sa kanya. Ito naman ang hinahawan ng may-ari sa pana-panahon, kasama na ang kaniyang nagsala-salabid na mga sanga.

Isang araw, matapos malasing sa kasaganaan ng liwanag ng araw at hangin, nagkausap sila.

“Hindi rin kita minsan maintindihan, pare,” anang Niyog, habang marahan pang kumakampay ang mga dahon sa mahinang ihip ng hangin. “Hindi ka bumulas katulad ko. Nagparami ka ng mga sibol mo sa halip na magpalaki ng katawan. Aba, ni hindi nga buo ang katawan mo, hindi ba? Puro hangin ang laman mo kung tutuusin! Hindi tulad ko na talagang siksik. Kinailangan pa ng May-ari na tabasan ang tagiliran ko para maakyatan!”

Tumawa na lang si Kawayan. “Alam mo naman. Genetics. Minana sa ninuno. Ibinigay ng Maykapal.”

Nagpatuloy lang si Niyog, hindi pinapansin ang paliwanag ng kasama. "Nang tumangkad ka, lagi ka namang nakayuko!"

"Nag-iingat lang," pakli ni Kawayan.

Dumaan pa ang ilang mga buwan at dumaan ang pinakamalakas na bagyong naranasan sa lugar na iyon. Bumugso ang ulan at hangin, at umapaw ang katabing ilog. Tumakas pa nga ang May-ari sa mataas na lugar.

Dahil sa daluyong ng tubig sa ibaba, nagkadikit-dikit ang mga suhay ni Kawayan, na lalo pang nagpatatag sa kanya. Nasalo pa nga niya ang mga basura at kalat na tinangay ng agos. Samantala, umuguy-ugoy ang mataas niyang katawan at mga dahon sa pagsabay sa bugso ng hangin.

Samantala, si Niyog ay nabalisa sa lakas ng pag-ihip ng hangin. Matigas ang katawan niya, kaya hindi siya makayuko at makasabay sa paiba-ibang direksiyon nito. Ang pagdaluyong ng tubig sa ilalim ay unti-unti ring pinalilitaw ang mabababaw niyang ugat.

Mayamaya pa, tuluyan nang bumigay si Niyog sa magkasabay na pagbayo ng hangin at baha.

Aanurin pa sana siya ng tubig, pero sinalo siya ni Kawayan.

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-70285478926589248082019-04-09T14:33:00.004+08:002019-04-09T14:34:28.282+08:00tungkol sa kape

Ibinuhos ko na ang laman ng 3-in-1 sa mug. Pero hindi ko pa siya naihalo, abala sa paghahanda. Gayon naman ang madalas na nangyayari tuwing madaling-araw.

Kaya matiyaga itong naghintay, itong kape, tahimik na pinanonood ang bawat kibot at hakbang ko. Kung makapagsasalita lang siya, siguro ay kanina pa siya tumikhim, umimik: "Uhm, boss, parang may nakakalimutan ka yata... medyo malamig na ang tubig ko..." Kung may kamay at paa siya, baka lumukso na siya mula sa mesa at nakitulong sa pagsisilid ng mga kaliit-liitang bagay sa bag ko.

Ang kape ay panggising, nakakabuhay. Pero, gaya ng alam ng kape kong ito, wala itong saysay kung hindi ito iinumin.

Mayamaya, matapos makapagmedyas, naalala ko ang ngayo'y halos maligamgam ko nang kape. Hinalo ko ito nang kaunti (halos natunaw na rin kasi ito nang kusa) at saka tinungga. Mukhang epektibo naman ito, nagising naman ang diwa ko ngayong alas-kuwatro ng umaga, kahit pa hindi na ito nakapapaso.

Sa paglapag ng baso sa mesa, ang ngayo'y halos-ubos-nang kape ay waring nangusap. Hindi, hindi na niya kailangang magsalita. Pero malinaw ang punto.

Kailangan ng aksiyon. Kailangan ng pagkilos. Maaaring makatakas mula sa nakaaantok at paulit-ulit na rutina. Maaaring mapalitan ang walang-buhay na araw-araw. Maaaring magising. Oo, maaaring mabuhay.

Kailangan lang itong ipasiya. At gawin.

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-89698106211777620762018-12-21T00:26:00.002+08:002018-12-21T00:26:47.456+08:00tungkol sa mga yugto ng panahon

Nararanasan natin ito lagi.

Kung kailan kailangan mo ng panahon -- halimbawa, kung naghahapit ka o may hinahabol -- saka naman tumatakbo nang mabilis ang oras. Kapag nababagot ka naman -- halimbawa, sa paghihintay -- saka naman tila hindi gumagalaw ang orasan.

Ipinapakita lang ng gayong mga karanasan na bagamat hindi naman talaga bumibilis o bumabagal ang takbo ng oras, ang pananaw natin dito ang nagbabago batay sa ating personal na mga nadarama sa panahong iyon.

Ang mga yugto ng panahon ang siya ngayong nagiging batayan natin sa pagiging mabilis o mabagal ng isang bagay. Sa pananaw ng isang langaw na ang buong buhay ay tumatagal lamang ng ilang mga araw, ang buhay ng tao ay waring napakatagal, baka nakababagot pa nga. Pero kung ang pagbabatayan naman ay ang mga bundok o kapatagan na libu-libong taon ang binibilang bago magkaroon ng kapansin-pansing pagbabago, ang mga tao ay mabilis na lumilipas, na animoy isang time-lapse video sa kanilang paningin.

Tinutulungan tayo ng katotohanang ito na magkaroon ng tamang pangmalas sa mga bagay na kinakaharap natin.

Halimbawa, ang problema, at ang dulot nitong pait at sakit. Kapag dumaranas tayo nito, maaaring pumasok sa isip natin na napakatagal na nating naghihirap. At sa ilang pagkakataon, maaaring gayon nga. Pero kung ihahambing sa yugto ng ating buhay, tiyak naman na matatapos din ang mga problema. Gaya ng mga bagyo at unos, ito ay pansamantala lamang.

Sa kabilang banda, paano naman sa mga pagkakataon at oportunidad na dumarating sa atin? Sa ganitong mga pagkakataon, kailangan naman nating tandaan na ang buhay ay napakaikli para pakawalan ang gayong mga bagay, na maaaring hindi na muli kumatok sa ating mga pinto.

Ang lahat ay may katapusan. Hindi natin mapabibilis o mapababagal ang oras. Pero may kakayahan tayong magpasiya kung paano natin gagamitin ang ating panahon. At may kakayahan tayong kontrolin kung paano natin mamalasin ang yugto at bilis ng bawat sitwasyon.

Nawa ay matandaan natin ito lagi. ■

Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5394631339418629865.post-77776832018900196932018-12-02T02:57:00.001+08:002018-12-02T02:57:42.491+08:00tungkol sa nag-iisang Mars

Nagpunta kami kanina sa isang convenience store. Nagrequest kasi ng chocolate ang maliit kong dalaga, kaya hindi ko mahindian. May mga craving din naman kaming mag-asawa.

Ang waring napaka-trivial na tagpong iyon - isang mag-anak na sige sa pagdampot ng mga chichirya at kendi sa mga estante - ay biglang naging makahulugan para sa akin nang magtungo na kami sa kaha para magbayad.

Nandoon iyon, sa mga maliliit na lalagyanan sa tapat ng pila. Halos matabunan na ng ibang mga produkto ang nag-iisang bar ng Mars.

Ibinalik ako nito lampas kalahating dekada ang nakakaraan. Mag-isa sa malamig na Alemanya, ibinubuhos ko ang panahon ko sa paglalakbay sa iba't-ibang destinasyon, malapit man o malayo sa tahanan ko noon sa lunsod ng Dresden. Sa bawat paglalakbay na iyon, hindi na ako nagdadala ng maraming mga bitbitin. Tanging ang sarili ko lamang, at ang ilang mga pangunahing pangangailangan.

Dahil sa maliit na bag na dala, pagiging biglaan ng mga lakad, at, minsan, kawalan ng pera, hindi ko na masyadong pinagkakaabalahan ang pagkain ko. Bumibili na lang ako ng Mars at tubig sa istasyon, bilang baon para sa buong haba ng paglalakbay. Malinaw pa sa isip ko habang kumakagat ako nito sa gitna ng mabigat na pagbagsak ng niyebe sa labas ng tren. O habang nagcoconnect ako sa Internet sa bus. O kahit pa nga naglalakad sa mga luma at di-sikat na mga daan ng mga bagong lunsod na aking pinupuntahan.

Fast forward tungo sa ngayon: habang kasama ang asawa at akay-akay ang anak, naghahanap ako ng pagkakaabalahan isang hapon, nang makita ko ang nag-iisang Mars. Ang totoo, habang papunta sa convenience store, ni hindi ko nga naisip na bumili ng Mars. Pero tumatak sa akin ang larawan ng nag-iisang Mars na iyon, na wari bang ipinapaalala ang estado ko noon. Mag-isa at malayo sa mga mahal sa buhay, inubos ko ang oras sa paglayo at pagtuklas. Na hindi ko na rin gaanong magawa ngayon.

Maraming binabago ang pagdaan ng mga taon, pero may mga alaalang sadyang nananatili.

Hindi na ako masyadong magala ngayon, at hindi naman ako nagrereklamo. Kaya hindi ko na dinampot ang nag-iisang Mars bar sa estante. Hindi, hindi pa nawawala ang simbolismo nito. Sa halip, kinunan ko na lang ito ng larawan (siguro ay naguluhan din ang kahero sa ginawa kong iyon).

Saka na; may panahon para riyan. Nagmamadali ang buhay, pero ang pagliliwaliw ay makapaghihintay. Saka na, sa angkop na panahon, ko na kukunin ang nag-iisang Mars. ■

Unknownnoreply@blogger.com0